Chapter 36

313 32 16
                                    

Chapter 36

Katatapos lang ng trabaho namin at sinundo niya ako dito sa firm at niyakap kaagad. Ayaw niya talaga papigil. Hindi daw muna siya aalis at dito lang siya sa tabi ko. Ilang buwan na siy dito at bakit hindi pa din siya umaalis? Hindi sa pinapaalis ko siya pero sabi niya kasi may aayusin siya sa Spain.

Hindi ko agad nagawang kausapin si Ara dahil sa hiya ko at wala pa akong lakas ng loob para kausapin siya. Ngayon lang ako angkalakad ng loob kaya magpapahatid ako kay Raze papinta sa puntod ni Lorence dahil nandoon nasabi sakin ni Marca na baka nandoon si Ara.

"Hindi na kita ihahatid sa airport..." bulong ko sa kaniya matapos lumipas ang ilang minuto na magkayakap kami dito sa loob ng kotse niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi niya kasi ako mayakap kapag nasa public kami at hindi din siya umalis kaagad. Hinintay niya muna na maging okay ako.

"Ayoko din na ihatid mo 'ko. Baka hindi lang ako makaalis." Sabi niya sa akin habang marahan na hinahaplos ang pisngi ko ng maulit-ulit. "Saan kita ihahatid para makausap si Ara?"

"Sa... puntod ni Lorence. I'm sure she's there." I said and smile at him.

Tumango siya at umayos na kami ng upo. Pinaandar na niya ang sasakyan niya saka nagdrive na papunta sa simenteryo kung saan inilibig si Lorence.

Buong byahe kami tahimik lang sa loob ng sasakyan niya hanggang sa ihinto na niya sa tapat ng gate noong cemetery ang kotse niya.

Nilingon niya ako saka inilapit ang muka sa akin para mahalikan ng marahan. Ipinikit ko ang mata ko at saka gumanti ng halik sa kaniya.

"I love you." He whispered in between our kisses.

"I love you," I said and kiss him again.

Bumaba ako sa sasakyan niya at hinintay ko muna siya makaalis bago ako tuluyang pumasok sa loob ng cemetery. Naglakad-lakad lang ako at tinignan ang mga puntod. Noong mapunta na ako sa gawi ng puntod ni Lorence. Tama nga ako. She's here.

Tahimik ako naglakad palapit sa kaniya at tumayo sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang ang lapida ni Lorence at ramdam na ramdam ko na nakatingin siya sa akin.

"How are you?" I ask her and look at her.

"I'm fine." She answered. "How about you? How are you?"

I shrugged and look at the sky before answering her. "I don't know..." I whispered. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya na malungkot na nakatitig sa akin.

"I'm sorry..." Sambit niya makalipas ang katahimikan ng ilang sandali. "I'm sorry for all the things that I did to you." Yumuko siya saka bumuntong hininga bago nag-angat ulit sa akin ng tingin na naggigilid na ang luha. "I did just loved him desperately that I didn't even think about you... kung ano yung mararamdaman mo. I love him... I love him so much that's why I purposely didn't give him your letter and make him depend on me to choose me. Our friendship is already over when Raze came into our life so—" I cut him off.

"Your reason is valid. I'll accept that Ara and I already forgive you. I'm sorry for accusing you and ruining your name. The name being a criminal is already engraved to your name just because of me and I am really sorry for that."

She smiles at me genuinely. "It's okay Mav. If ruining my name is the only way to give Lorence justice... then it's okay for me. Ganon kasi siguro talaga diba? Yung kahit napatuyan na hindi ka talaga ganon... kung ano ang naunang judgment ng mga ibang tao sayo mananatiling ganoon iyon. Hindi natin hawak ang utak nila. We all have freedom of speech... we all have the freedom to say anything that we want but I hope some people know their limits in voicing out their opinions. It's okay Mav... tapos na eh. Nabigyan na natin ng hustisya si Lorence at iyon lang naman ang mahalaga sakin." Ngumiti siya sa akin at saka nilingon ang puntod ni Lorence. "But I think he's sad right now... because Luisa and Klaus are in prison but what we can do? Wrong is wrong. Hindi mababago ng awa at pagmamahal ang maling ginawa nila. Kaya kailangan talaga nila pagbayaran yung kasalanang ginawa nila."

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon