Chapter 10
Nandito ako ngayon sa office ko at may binabasang kaso. Hanggang sa mapatingin ako sa cellphone ko dahil sa isang tawag.
"Hello?"
"Is this Attorney Raze Esquire?" Tanong ng isang lalaki sa akin sa kabilang linya.
"Yes. Why?"
"Ang sabi po kasi ni Ms. Arabella Villamontes ay tawagan kita dahil ikaw daw po ang abogado niya."
"What? What her case?" Gulat kong tanong saka napaayos ng upo ko dahil sa narinig ko.
"Binuksan po ulit ang kaso ni Mr. Lorence Trinidad at si Ms. Villamontes po ang tinuturong may sala. Pumunta nalang po kayo dito sa police station para makausap siya."
"I'm not her lawyer." Diretsyong sabi ko.
"Pero sabi po kasi niya, ikaw daw po. Pasensya na po."
Napahilot ako sa sintido ko dahil sa tawag na iyon. Paanong nabuksan ulit ang kaso na 'yon? Sino ang nagbukas ng kaso na'yon?
Nawala ako sa pag-iisip noong makitang tumatawag si Lola.
"La. Bakit ka napatawag?"
"Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa pagbubukas ulit ng kaso ni Lorence?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Lola. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago magsalita ulit. "Apo... pwede bang ikaw ang tumayong abogado niya? Hindi kasi pwede ang Tito Enrique mo dahil nasa hospital pa siya."
"Bakit po ba kailangang tayo ang lumalaban ng kaso ng mga Villamontes?"
"Apo..." pakikiusap ni Lola sa akin.
"I know that you're friends with the Villamontes, La pero..." hindi ko magawang sabihin ang gusto kong sabihin dahil baka pagtalunan lang namin iyon ni Lola.
"Apo. Ara is innocent. The Villamontes only trusted the Esquire kaya puro mga Esquire ang nagiging abogado nila."
——
Pagpunta ko sa police station na sinabi ng tumawag sa akin. Naabutan ko na sobrang daming reporters na nagkakagulo sa labas ng prisinto.
"Attorney Esquire." Tawag sa akin ng isang reporter noong nakita ako. Agad akong naglakad ng mabilis papunta sa loob ng prisinto.
"Ikaw po ba ang tatayong abogado ni Ms. Villamontes?"
Wala akong sinagot na kahit ano sa tanong nila. Tinulungan ako ng mga pulis na makaalis sa madaming reporters para makapasok ng prisinto.
"Ara." Tawag ko kay Ara na nag-iisa doon. Nakaupo siya doon at gulo-gulo ang buhok. Nakaposas din ang kamay niyang nakalapag sa lamesa.
"Raze." Agad siyang tumayo para lapitan ako. "Raze please tulungan mo ko. Wala akong kasalanan."
"You killed Lorence?" Iyon agad ang lumabas na salita sa bibig ko.
"I didn't killed him!" Frustrated niyang sabi habang pabalik-balik sa paglalakad. "Hindi ko magagawa yon sa kaibigan ko. Siya nalang yung totoong kaibigan na meron ako... hindi ako mamamatay tao, Raze."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Kahit ako alam kong hindi niya kayang pumatay ng tao pero bakit gano'n ang sinasabi ng mga dati niyang kaibigan? Bakit sinasabi nila na kayang pumatay ng tao ni Ara? Ilang taon na kami hindi nagkikita at hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon kami makikita at magkakausap.
Ang alam ko ay siya na ang nagpapatakbo ng entertainment company nila. Sikat ang kumpanya nila at pinaka successful na kumpaniya ngayon sa loob ng industriya.
"Naalala mo noong nagpunta kami ni Lola sa Las Rozas Village? Noong nagmakaawa ako na balikan mo ako noon? Kinausap ni Lola ang Lola mo na kung sakaling buksan ulit ang kaso ni Lorence at ako nanaman ang suspect sana si Tito Enrique pa din ang humawak ng kaso ko dahil wala siyang tiwala sa ibang abogado." Pinunasan niya ang luha niya sa mata niya saka huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
General FictionLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...