Chapter 35
"Kailangan ko na umuwi." Pagpapaalam ko kay Raze noong matapos namin ang isang movie. Nandito kasi kami sa movie room at naisipang manood ng mavie. Nakaupo kami sa malaking sofa habang naka pulupot sa bewang ko ang isang kamay niya ang isa naman ay sa balikat ko. Nakapatong ang pisngi niya sa balikat ko at tahimik lang na nanonood.
Niyakap niya ako ng mahigpit at ibinaon sa leeg ko ang muka niya bago siya nagsalita. "You're going to sleep here with me." He whispered. "Nakausap ko na si Maverick kanina. Pinagpaalam na kita. All your cousins are worried about you kaya tinawagan ko ang Kuya mo at sinabing kasama kita. Dito ka kako sakin matutulog." He chuckles and planted a soft kiss on my neck.
"Pumayag siya?" Gulat na tanong ko sa kaniya. Natatawa siyang tumango sa akin.
"Kapag umalis ako hindi ko muna sayo ibibigay yung susi ng bahay. Kapag ikinasal nalang tayo and you're not yet allowed to go to the second floor." His voice is husky and deep which makes me feel something inside me.
"Bakit hindi ako pwede pumunta sa second floor? Ano tinatago mo don?" Nakangusong tanong ko sa kaniya. Wala naman akong balak pumunta doon sa second floor dahil patay lahat ng ilaw. Baka may mumu pa do'n pero dahil binanggit niya nacurious tuloy ako.
Hmp! Dapat hindi nalang niya binanggit eh.
He chuckled again. "Malalaman mo din 'yon. Wag matigas ang ulo. Bawal pumunta don."
"Okay." Iyon lang ang sinagot ko sa kaniya saka kinuha ang remote na nasa gilid ko at pinatay ang malaking tv. Pagkatapos ay niyakap ko siya pabalik at sinuklay ang buhok niyang sobrang lambot.
"Mommy!" Napatili nalang agad ako noong bigla niya ako binuhat. Natatawa siyang tumingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil biglang nag-init ang muka ko sa kahihiyang nararamdaman ko.
"Mi Amore your Mommy is not here." Natatawang sambit niya saka nagsimula na maglakad para maalis dito sa movie room.
"Are we... are we going to sleep together?" Nakayukong tanong ko sa kaniya at pinaglalaruan ang kamay kong nakapulupot sa leeg niya.
"Yeah. Why? Ayaw mo? Pwede naman ako matulog sa ibang kwarto kung hindi ka komportable... but I really want to sleep beside you, Mi Amore... pero kung ayaw mo okay lang din naman." Sagot niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at yumuko naman siya para magpantay ang tingin naming dalawa. He gives me soft kiss and smiles at me. "Hmmm?"
"Okay, lang sakin kung... magkatabi tayo." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Inilagay ko ang muka ko sa dibdib niya dahil sa hiya.
"Thank you." He said gently.
"For what?"
"For letting me sleep beside you. I want to spend my last day here with you." He whispered and showered kisses on my head
Dahan-dahan niya ako inilapag sa kama. Umupo siya sa tabi ko saka niyakap sa likod. Hinalikan niya ng hinalikan ang balikat ko habang pinaglalaruan ang kamay naming magkahawak na nasa tiyan ko.
"K-Kelan ka aalis?" Bigla akong nalungkot dahil mukang aalis na siya kaagad. Akala ko naman next week pa.
"Bukas." Sagot niya sa akin. Napayuko ako at tinignan lang ang kamay naming magkahawak na nilalaro niya. Bigla akong nalungkot dahil bukas na pala agad ang alis niya. "Why? Are you going to talk... Luisa?" Nag-aalinlangang tanong niya.
"Yeah. I... I need to ask her. I want to know everything and her reasons." Sagot ko sa kaniya.
"How about Ara? Are you not going to talk to her?"
"I will talk to her after talking to Luisa. I need to set myself free and also I want to apologize to her. Gusto ko sana bumalik yung pagkakaibigan namin noong bata kami kaso... mukang malabo na." Malungkot na sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
General FictionLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...