Chapter 41

349 34 21
                                    

Chapter 41

"What happen to you?" Tanong ni Aira sa Kuya niya. Aiden is lazily seating on a chair here in Abuela's mansion in Spain. Kadadating lang namin. Yung iba ayaw matulog dahil natulog naman na daw sila sa byahe yung iba naman natulog dahil wala daw sila tulog.

Kuya Aiden is wearing silver eyeglasses and his eyes are swelling. Did he cry? Wow, Timmy made him cry.

"Nothing." Malamig na sagot ni Aiden sa kapatid niya. Nagkatinginan naman kami ni Aira.

"Are you not going to sleep?" Tanong pa ni Timmy sa Kuya niya saka umupo sa tabi ko kung saan katapat si Kuya Aiden.

"Nope." Malamig pa din na sagot niya.

"Then let's go shopping." Excited na pag-aaya ni Aira sa Kuya niya.

"Stop it Aira. Your brother is not in the mood at mukang walang tulog. Kauuwi lang dito nag-aaya agad mag shopping." Kuya Patric said and placed a cup of coffee on Kuya Aiden's table.

"Next time. I'm not in the mood." He said to his sister and smile.

"Okay," Aira said while pouting her lips.

Iginala ko ang mata ko dahil baka makita ko si Raze. Malapit lang naman dito sa El Escorial yung Las Rozas.

"Why don't you just go to his house? Muka kang tanga kakalingon-lingon dyan sa labas." Iritang sabi ni Kuya Maverick.

"Las Rozas is just near here." Khaizer shrugs.

"I'm not allowed to see him." Bumagsak ang balikat ko at sumandal sa upuan.

"Yeah. So stop hoping to go see him now because he will not show up." Kuya Patric said.

Mabilis lumipas ang araw. Ngayon ay birthday na ni Abuela at mas lalo ako kinakabahan sa mangyayari. Baka bigla nalang doon pumunta ang mga nagbabanta sa buhay namin. Sana naman hindi saka secured naman na yung lugar sabi ni, Javier.

Halos wala na akong pakialam sa announcement ni Abuela tungkol sa engagement namin ni Lance. Ang inaalala ko nalang ay yung kaligtasan namin.

Nagpunta ako sa dressing room ni Aira and I saw her taking a selfie. She's wearing a glittering black long sleeve dress with a deep v-neck on the back. Her hair is on the bun with curly bangs on the side of her face.

I'm wearing a simple spaghetti strap glittering light violet gown with a heart shape v-neck. Mas lalong kinulot ng nag-aayos ng buhok ko ang buhok ko kaya mas nadepina nito ang pag-alon nito.

"Wala pa si Timmy?" Tanong sa akin ni Aira.

"Baka nasa baba na'yon kasama ang parents niya."

Nagkibit balikat siya. "Sabagay. Tara na daw ba?"

"I... don't know? Tara na ba? Nandoon na mga pinsan natin."

"Sige tara na." Nagpunta siya sa salamin para icheck ang muka niya bago hinawakan ang kamay ko at hinila na papunta sa party.

Hindi ko maiwasang maglingon-lingon sa paligid dahil baka may nanonood sa amin dito na nagtatangka ng buhay namin.

Nagsimula ang party. Madaming ceremonies pa ang ginagawa bago magsimulang kumain.

"Aiden how's the talk with..." I heard Kuya Patric ask Kuya Aiden who's just seating across from me.

"I don't want to talk about that." He coldly said and continued eating his food. Nagkatinginan kaming dalawa. I smile at him sadly but he just looked away.

"Timmy Tims." Tili ni Aira noong makita si Timmy. She's wearing a green glittering heart-shaped neckline with a gold line on the side of her heart-shaped neckline. Hinayaan niya lang na nakabagsak ang straight na buhok niya and she's wearing simple make-up. "Grabe oh. Ang ganda." Manghang-mangha sambit ni Aira. Napatingin ako kaagad kay Kuya Aiden na nakatingin kay Timmy. Nag-iwas siya mga tingin at inayos ang salamin niya. I think he's wearing his eyeglasses para hindi mahalata na hindi siya nakatulog at umiyak kagabi.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon