Chapter 20
I saw and hear everything...
The Esquire and de Montaigne's connection.
The business of Dice's father.
About Dice and Zagreus.
About Aries father case.
Cleo's mother.
And Harvey's work.
Bakit kailangan kong malaman lahat 'yon? All of that is not part of the case.
"What happens?" Rinig kong tanong ni Marca sa akin. Dumilat ako at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako saglit sa paghihintay sa kaniya at pag-iisip ng mga nalaman ko noong mga nakaraang araw.
Hindi ko lang pinapakita kay Zagreus na nag-aalala ako at hindi baliwala sa akin ang tungkol sa mga sinabi niya sakin para hindi niya maisip na nakakaabala siya sa akin.
Hindi ko ipinapakita sa mga taong nasa paligid ko na pagod na pagod na 'ko dahil ayokong kaawaan nila ako at gamitin pa 'yon laban sakin.
"Dude." Nag-aalalang tawang niya sa akin. Umupo siya sa sofa na nasa harapan ko at tahimik lang akong tinignan.
"Mav... will use my past to Ara in the court," I said.
"Paano niya gagamitin ang past mo kay Ara? Hindi ka naman kasama sa kasong 'yon? Abogado kalang ni Ara."
"I don't know." Pagod kong sabi.
"May sakit ka ba?" Tumayo siya at lumapit sa akin para hipuin ang noo't leeg ko. "Shit! Ang init mo."
"Tingin mo ba tamang desisyon na hinawakan ko 'tong kasong ito?" Tanong ko sa kaniya. Hindi pa din ako umaalis sa pagkakahilig ko sa sofa dahil nagdidilim ang paningin ko sa sobrang hilo at sama ng pakiramdam ko pero baliwala lahat ng nararamdaman ko na'yon dahil mas nananaig ang sakit na nararamdaman ko sa pag-iisip na may ginawang kasalanan ang pamilya ko na labag sa batas.
"Raze... pwede bang magpahinga ka muna at h'wag mo muna isipin yang kaso nayan? Magpapakamatay ka ba?"
"Pagod na pagod na 'ko." Bumangon ako sa pagkakahilig sa sofa saka yumuko at sinapo ang muka ko gamit ang dalawang kamay ko.
"Raze." Pabuntong hininga niyang tawag sa akin.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko... hindi ko na alam kung ano uunahin ko. Kung magbabasa ba ako ng kaso at mangalap ng ebidensya para mailabas si Ara sa kulunga o kung icheck lagi ang parents niya at mga kaibigan namin dahil nanganganib ang buhay nila... o kausapin si Mav at makipag-ayos dahil galit nanaman siya sa akin o alamin ang nangyayari sa pamilya ko o tignan si Ate dahil depress siya ngayon o baka kailangan kong magfocus sa company namin dahil unti-unting bumabagsak." Tuluyan na tumulo ang luha ko kaya mas lalo akong yumuko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na pagod na akong pagsabayin silang lahat. Pagod na pagod na ko..."
"Kung pagod kana... then rest. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo dahil mauubos ka nyan at tuluyan ng mapapagod. Raze... hindi sa lahat ng oras matatag tayo. Kaya kung pagod kana at hindi mo na kaya ang mga nangyayari ngayon... magpahinga ka muna tapos saka ka magpatuloy kapag okay kana. Kailangan mo ng lakas para magpatuloy dahil ikaw ang inaasahan nila."
"Kahit yata ilang beses ako magpahinga I'll never be strong again because the person who's giving me strength is not here and mad at me. The person that I expected that will make me strong... can make me weak also."
"Ganon naman kasi talaga diba? There's only one person who can make us strong but at the same time weak. They're our strength and weakness in life... they're the person who can destroy and broke us but also can complete and heal us."
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
Tiểu Thuyết ChungLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...