Chapter 42
"Happy birthday po." Magalang na bati ni Raze kay Abuela. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nilingon si Abuela na tumango lang kay Raze. Naramdaman kong tinanggal niya ang kamay niya sa bewang ko at hinawakan ang kamay ko.
"I want to ask you for the hand of your Granddaughter, Madame Alicia."
Abuela chuckles. "You can have her hand now, Atty. Esquire." Nakangiting sambit ni Abuela.
"Thank you. May I borrow her? I just want to talk to her."
"Sure." Pagpayag kaagad ni Abuela kay Raze. Nilingon ako ni Raze at saka hinila paalis doon sa tabi ng mga pinsan ko. Tahimik lang akong nagpahila sa kaniya sa kung saan niya ako gustong dalin. Sumakay kami sa elevator at huminto kami sa last floor ng hotel na ito kung saan ginanap ang birthday ni Abuela. Nagpunta kami sa veranda at doon niya lang ako hinarap.
"I miss you." He whispered when he hugged me immediately. "I miss you so much, Mi Amore."
Ipinulupot ko ang dalawang braso ko sa bewang niya at niyakap siya ng mahigpit pabalik. Isinubsob ko ang muka ko sa dibdib niya at hindi makapagsalita dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. Tuluyang tumulo ang luha ko sa mata ko kaya mas lalo ko siyang niyakap.
"Wala ka man lang sasabihin?" Tanong niya. Umiling-iling agad ako sa kaniya. "Are you mad? I'm sorry kung matagal ako hindi nagparamdam sayo. Ayoko lang na mapahamak ka. I'm sorry baby."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang luha ko sa mata. Tinanggal niya ang kamay kong ginagamit kong pampunas sa pisngi ko at siya ang nagpunas noon.
"Why are you crying?" Malamig na tanong niya pa.
"I'm just happy Raze... sobrang saya ko lang na finally. Makakasama na kita." Naiiyak na sambit ko. He smiles at me and planted a kiss on my forehead.
"Ako din... sobrang saya ko ngayon. You're going to be my wife soon." He whispered gently.
Nagpunta siya sa upuan doon at umupo siya doon saka ako hinila para makaupo sa hita niya. He wrapped his hands around my waist and rested his chin on my shoulder. We are both looking at the city lights of Madrid. He pressed his body to me to hug me tightly.
"About your text... can I heard that now?" Malambing at malalim ang boses niya noong binulong iyon. I pouted my lips and chose to just look at the city lights because of embarrassment.
"Nabasa mo naman na. Bakit gusto mo pa marinig?"
"I want to hear what you said on your text because you're giving me labels through text. It should be in person, Mi Amore."
Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo ko at nakanguso. Tinaasan niya lang naman ako ng kilay. Nagyayabang na siya porket nagawa niyang ipatigil ang kasal. Paano niya ba kasi napapayag si Abuela? Hindi naman sa gusto ko magpakasal kay Lance kaso curious lang ako.
"I said... I'm your girlfriend now." Nahihiyang sabi ko saka yumuko at pinaglaruan ang mga daliri kong nasa kandungan ko para hindi ko siya matignan. He's smiling wildly and I even heard his weak laugh. I immediately look at him and glared at him.
"I love you." He said gently while biting his lower lip and still smiling.
"I love you." I replied. "Ano pinag... usapan niyo nila Mommy?" Kuryosong tanong ko sa kaniya.
Iyon ang pinili kong tanungin sa kaniya dahil ayokong tanungin ang mga ginawa niya. Baka hindi din kasi niya pwedeng sabihin? Saka hindi pa ako nakakapagsorry sa kaniya dahil hindi ko sinabi sa kaniya yung kaso ni Abuela at yung sa threats pa pala. Hindi ko alam kung paano iyon sasabihin sa kaniya. Gusto ko din sana tanungin yung tungkol sa anak ni Aira. Andami kong gustong itanong sa kaniya pero umuurong ang dila ko kapag gusto ko na siyang tanungin. Nagtatalo sa utak ko ang kagustuhan kong h'wag muna sila isipin at manatili kaming ganito ni Raze. Yung isa't-isa lang ang iniisip namin dahil simula noon puro sila na ang iniisip namin ni Raze.
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
Fiksi UmumLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...