Chapter 38

334 30 25
                                    

Chapter 38

Tatlong linggo na nag nakakalipas pero wala pa ding paramdam si Raze. Pagkagising ko chineck ko kaagad ang cellphone ko para makita kung may reply na si Raze pero wala pa din. Is he busy? Pero kahit text man lang wala? Alam naman niya na hinihintay ko text niya at ang tagal na niyang di nagpaparamdam. Kahit kila Eros wala siyang paramdam.

Tamad akong bumangon sa pagkakahiga ko at nagpunta ng bathroom para maligo. Tulala ako habang nasailalim ng shower. Iniisip pa din kung bakit hindi siya nagrereply. Baka tulog pa?

Pagkatapos maligo naglakad ako papunta sa cloth set ko at kukuha na sana ng damit noong marinig ko ang cellphone ko na nagriring dahil sa isang tawag. Nagpunta ako doon sa pag-aakalang si Raze iyon.

Mommy's Calling...

Bumagsak ang balikat ko noong makita na si Mommy iyon. Bumuntong hininga ako at saka sinagot ang tawag niya.

"Hello, mom?" Matamlay na sagot ko ng tawag niya.

"Good morning Anastasia." Masayang bati niya.

"Good morning."

"I just want to remind you that we have family dinner at your Abuela's house and the wedding planner is here already. We will officially announce your engagement with Lance on your Abuela's birthday. Pumunta ka dito sa bahay ngayon."

"Okay po," I said.

"Lance will pick you on your condo. Bye." She dropped the call. I sighed heavily and go to my cloth-set to find formal clothes because my Mom will surely scold me if I just wear simple clothes.

Habang nagsusuklay narinig kong may nagdoorbell kaya ibinaba ko sa vanity table ko ang suklay saka naglakad papunta sa pinto para pagbuksan kung sino man ang tao doon sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto. Bumungad sa akin si Lance na nakawhite long sleeve polo shirt at nakatupi hanggang siko niya ang manggas nito. He's wearing black pants partnered with black sneakers.

"Good morning." He said gently to me. I smile at her and opened my door wild to get him inside my condo.

"Good morning." I greet him back. "Kukunin ko lang yung cellphone ko." Pagpapaalam ko sa kaniya. He just nodded to me and just stand on the side.

Naglakad ako papunta sa loob ng kwarto ko saka kinuha ang purse and wallet ko bago lumabas at inaya na si Lance na umalis.

Tahimik lang ako buong byahe. Kahit siya ay tahimik lang. Mukang wala din balak magsalita. Patingin-tingin ako sa cellphone ko sa pagbabakasakali na may text na sa akin si Raze pero wala pa din.

Pagkababa namin sa sasakyan namin napansin kong nandito ang sasakyan ni Abuela at may hindi pa na pamilyar na kotse ang nandito.

"Mav." Tawag sa akin ni Ate. Napangiti ako kaagad noong makita siya dito sa bahay. Madalang kasi siya dito. Madalas sa mga Esquire o sa condo niya siya umuuwi.

Agad ako naglakad palapit sa kaniya at niyakap siya. "Why are you here?" Masayang tanong ko sa kaniya.

"Tinawagan ako ni Papa. Sabi niya umuwi daw ako ngayon dahil..." nilingon niya si Lance na nakapamulsa na nasa likod ko at tahimik lang na nanonood sa amin ni Ate. "May dinner daw tayo with the Rodriguez." Pagpapatuloy niya ng sinasabi niya.

"Let's go." Malamig na sambit ni Lance at naglakad na papasok sa loob ng bahay namin. Pagkaalis niya nagkatinginan kami ni Ate.

"Nagtext na ba si Raze sa inyo?" Tanong ko kaagad sa kaniya noong masigurado na wala na si Lance at hindi na niya kami maririnig.

"Hindi pa eh. Tinatawagan din ni Mommy pero nakapatay yung cellphone." Sagot niya sa akin. Malungkot akong tumango sa kaniya at nagpaakay na sa kaniya papasok sa loob ng bahay.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon