Chapter 28

291 29 9
                                    

Chapter 28

Pagkatapos kong umiyak sa loob ng office ko lumabas na ako ng office para umuwi.

Tulala akong nakatingin sa kotse ko at nagbabakasakali na puntahan niya ako dito pero walang dumating na siya.

I laughed sarcastically and sighed heavily. I opened my car and get inside. I drove myself to Aira's condo because I don't want to go to my condo.

"What happen to you?" Tanong niya kaagad noong binuksan niya ang pinto ng condo niya matapos kong kumatok ng ilang beses. Pinapasok niya ako kaagad at saka pinaupo sa sofa niya. "Bakit ka umiyak? Sino nagpaiyak sayo?" Tanong niya ulit habang nakapamewang sa harapan ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong condo niya. Pagod akong bumuntong hininga at napanguso nalang sa sobrang kalat ng condo niya.

All her designer bags, shoes like stilettos, sneakers, flat shoes, and more. Even her designers' cloths nakakalat. I saw her Gucci jacket na nakalagay lang sa lapag na akala mo hindi ginto ang presyo. Hindi ko alam kung gagaan ang pakiramdam ko dahil pumunta ako dito o mas lumala pa at maiiyak nanaman ako.

Tumikhim siya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. She's bitting her fingers while shyly looking at me.

"Wag mong pansinin mga 'yan. Ano kasi... nag-iimpake ako." Agad siyang umupo sa tabi ko at pinagkatitigan ako.

"Saan ka pupunta?" Kuryosong tanong ko sa kaniya.

"May fashion show ako sa New York next week and I have shoots too." Kibit balikat na sagot niya sa akin.

"I don't understand why you choose to be a model than to be a flight attendant. Tinapos mo pa naman."

"Hindi ko naman kasi talaga ginusto 'yon." Sagot niya sa akin saka sumandal sa sofa. "Iyon ang pangarap ni Mommy noon pero hindi niya nakuha because of Abuela kaya tinupad ko para sa kaniya. I really want to be a model. Anyway, wag buhay ko pag-usapan nating dalawa. Bakit namamaga yang mata mo? Sino nanaman nagpaiyak sayo?" Umayos siya sa pagkakaupo at naghihintay ng sagot galing sa akin. Hindi naman ako nakasagot at saka yumuko nalang.

"Tsk, bakit pa nga ba ako nagtatanong eh isang tao lang naman nakakapagpaiyak sayo ng ganyan. Ano ba nangyari?"

Ikinunwento ko sa kaniya ang nangyari kaninang pag-uusapan namin ni Raze. Pagkatapos ko sa kaniya magkwento kinuwian niya lang ako saka umiling-iling.

"Ang selfless niyo masyadong dalawa. I understand both of you pero kasi sinasaktan niyo lang yung isa't-isa... sa kagustuhan niyong hindi masaktan ang ibang tao yung sarili niyo naman ang sinasaktan niyo." Hinawakan niya ang kamay ko saka malambot na tinignan. "Kahit naman lumipas ang panahon at makalimutan na nila ang pagiging anak ni Ate Cha sa labas... kapag naisipan niyong dalawa ni Raze na ituloy na kung ano man ang meron sa inyong dalawa? Babalik lang din ulit yung mga panghuhusga ng mga tao. Manatili mang Esquire si Ate Cha o palitan man niya ng Vergara ang apilido niya ganon pa din ang sitwasyon. H'wang niyo mang ipagpatuloy ni Raze yung kung anong meron kayo at ituloy nalang kapag nawala na ang mga panghuhusga kay Ate Cha. Ganon pa din. Babalik pa din 'yon. So for me lang ah?" Huminga siya ng malalim saka inilagay ang buhok kong tumatabing sa muka ko sa likod ng tenga ko.

"Hindi ba mas okay na ituloy niyo na ngayon at ngayon niyo na ipaglaban sa pamilya niyo tapos kausapin niyo nalang si Ate Cha para mainform siya kasi mas okay na alam niya at hindi niya magawang sisihin ang sarili niya kung sakaling may marinig mang siyang kung ano sa ibang tao tungkol sa relasyong meron kayo ni Raze. You know? You have my full support?" She winked at me. "It's not bad to be a little selfish especially when it comes to love. If I were in your position I rather die trying my best to have the man that I love than to wait for the right timing... Mav, there's no right timing for your situation with Raze."

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon