Chapter 2

539 43 40
                                    

Chapter 2

"What the fuck are you doing?!" Galit na binuksan ni Eros ang pinto ng office ko at naglakad palapit sa akin.

"Anong problema mo?" Takang tanong ko sa kaniya.

"This is about your case na naipanalo mo kahapon. I thought we're not doing this for just work? Akala ko ba may malasakit ka sa mga mahihirap na hindi makamit ang hustisyang dapat sa kanila? Eh ano 'tong ginagawa mo? You fucking manipulate the case para manalo ka!" Galit niyang hinampas ang lamesa ko pagkatapos sabihin iyon.

"Saan mo naman nabalitaan yan?" Iritang tanong ko sa kanya. "I didn't manipulate the case. My client is innocent, namatay talaga ang asawa ng kabilang panig dahil sa pagtatrabaho masyado. I'm not blaming the victim okay? But I'm not going to filter my words. He overworked himself that's why his condition is worsened that caused his death. Ang mali ko lang dito ay binayaran ko ang owner ng village na 'yon para sa isang petition na magagamit ko bilang ebidensya. My client is paying him for his extra hours of work. So clearly, my client is innocent at hindi naging malupit na amo sa mga nagtatrabaho sa kaniya. That's it, Eros."

He sighed heavily and sat on the sofa. "Just make sure that you're not lying to me." He said, lazily.

I chuckled. "I may not a saint-like you but I'm not a liar," bumuntong hininga ako at saka siya tinignang muli. "I know what I am doing, Eros. I'm not selling myself to the devil. I'm just doing my work with passion and morals. I may seem heartless with them but deep inside I care for them."

"I'm sorry," guilty niyang sabi sa akin. "By the way, nag-usap na ba kayo ni Aries?"

"Huh? Ano namang pag-uusapan namin?" Natatakang tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at saka tumayo na. Parang tanga naman 'to, bigla biglang aalis pagkatapos sabihin 'yun. Nacurious tuloy ako.

"Wala. Sige, alis na 'ko." Simpleng sabi niya lang at saka naglakad na palabas ng office ko. Hahabulin ko pa sana siya para tanungin kung ano 'yon pero mabilis na siya naglakad palabas ng office ko.

Ano naman kaya pag-uusapan namin ni Aries? Wala naman kaming problema o kung ano.

Pagkatapos ko sa trabaho ko. Nagpunta ako sa law firm kung saan nagtatrabaho sila Eros, Dice at Mav. I didn't come here for my cousin. Nagpunta ako dito para kay Prosecutor Vergara.

Gusto ko lang siya makita bakit ba.

Naglalakad ako papasok ng firm nila habang pinaglalaruan ang susi ko sa kamay ko. Wala na gaanong tao dito dahil tapos na ang oras ng trabaho pero sigurado akong nandito pa si Mav.

She hates doing her works on her condo kaya dito sa office niya tinatapos ang mga trabaho niya. Pwede naman kasi siya magtrabaho sa condo ko. Sabihin niya lang. Willing naman ako patuluyin siya sa condo ko. With free Attorney Raze Gedeon Esquire pa.

Tangina Raze! Akala ko ba pakakawalan niyo ang isa't-isa? Eh bakit lapit ka pa din ng lapit?

Eh tangina naman kasi. Ang hirap naman niyang tiisin. Isang taon ako nagtiis na hindi siya makita o makasama. Miss na miss ko na 'yung asawa ko.

Pinihit ko ang doorknob niya para tignan kung naka lock ba pero hindi nakalock. Kaya tuluyan ko na siya binuksan. Isinara ko ulit iyon at nilock noong makapasok. Nakita ko siyang kumukuha ng tubig sa maliit na ref niya dito.

Napatalon siya noong humarap siya sa gawi ko at makita akong nakahilig sa pinto ng office niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pants ko. Nakatitig ng malalim sa kanya. Napakaganda talaga nito.

"What are you doing here?" Nauutal na tanong niya sa akin. She blushed that's why she looks at her water and drink it. Naglakad siya papunta sa lamesa niya at hindi na ulit ako tinapunan ng tingin.

Inclement Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon