Chapter 25
MAISSIE ANASTASIA P.O.V
"I heard that you met Raze in the court?" Napaangat ako kaagad ng tingin noong marinig ang boses ni Aira na kapapasok lang dito sa office ko.
"Yeah." Tamad na sagot ko. Pinilit ko ang sarili ko na itago kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon noong makita si Raze sa loob ng korte.
Kung paano tumalon ang puso ko sa sobrang saya noong magtagpo ulit ang mata naming dalawa.
Kung paano nagawa ako ganahan magtanong sa mga witnesses dahil siya ang kalaban ko sa loob ng korte.
He's still handsome and tall... I think mas lalo siyang tumangkad. Naging firm na din yung katawan niya.
"Hoy!" Sigaw ni Aira at pinitik ang noo ko.
"Ouch." Daing ko saka nakangusong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Hays..." nakangiwing sambit niya. "Iniisip mo nanaman yung lalaking 'yon." Iritang sambit niya saka umupo sa sofa na nasa harapan ng lamesa ko. Pinagkruss niya ang dalawang braso niya sa harapan niya at ipinatong sa kabilang hita niya ang isang hita niya.
She's wearing a black fitted skirt that has a short cut on her left leg and a white top with a black coat on top partnered with a high cut black converse. Ang kalahati ng wavy hair niya ay nasa isang balikat niya. She's wearing simple make-up and her small black handbag is on her left-hand ay inilagay niya sa ibabaw ng hita niya.
"Hindi ah." Pagtanggi ko saka ibinalik ang tingin ko sa laptop ko. Napatingin kaagad ako sa kaniya noong isinara niya ang laptop ko.
"Stop denying." She rolled her eyes at me. "I know that you miss him. Isang taon mo na din siya di nakakasama o nakakausap. Kung magkikita man kayo batian lang. Casual lang. Hindi katulad noon na halos ayaw niyo na humiwalay sa isa't-isa."
Nag-iwas ako ng paningin at saka malungkot na bumuntong hininga.
"Try niyo kaya maging selfish hano? Ako na-i-stress sa inyong dalawa."
"I want to but... I can't help but be selfless because of Ate. Until now my father's family can't accept her as my father's daughter." Malungkot na sagot ko. Yumuko ako saka pinaglaruan ang mga daliri kong nakapatong sa lamesa.
"Ang complicated din kasi ng sitwasyon niyong dalawa eh. Ate niyo yung nasa gitna niyong dalawa tapos grabe din manghusga yung ibang tao. Tapos hindi pa tanggap ng pamilya nang papa mo. Saan ka pa? Jusko buti nakakasurvive pa si Ate Cha?" Tinanggal niya ang pagkakakrus niya sa dibdib niya saka umayos ng upo. "Anyway if Ate Cha decided to take your father's name... are still not going back to Raze?"
"Tingin ko mas magiging complicated lang kapag dinala niya apilido ni Daddy pero okay lang naman sakin. Kasi kapatid ko siya at apilido naman talaga dapat ni Dad ang dinadala niya pero kasi... paano kung ayaw ng mga Esquire? Paano kung gusto nila na manatiling Esquire si Ate?"
"Eh? Buhay ni Ate Cha yan. Siya lang may karapatang magdesisyon tungkol sa bagay na'yan saka Esquire should accept that Ate Cha is not an Esquire. Hindi naman porket nagpalit siya ng apilido kakalimutan na niya na naging parte ang mga Esquire ng buhay niya. Ganun pa din naman eh. Apilido lang ang pinalitan."
"Hindi ko alam. Desisyon ni Ate yan. Basta nandito lang ako nasa tabi niya kapag may family gatherings ang mga Vergara. Muka kasi siya di masaya kasama kami." Nakangusong sabi ko.
"Sinong sasaya don? Mga tingin pa lang hinuhusgahan kana. I'm sure she's happy kapag nasa mga Esquire siya." Nakangiting sambit niya.
"Yeah... and I want to see that happiness too whenever she's with my family," I said sadly. Nginiwian niya ako saka tumayo. Taka ko naman siyang tinignan kung bakit siya biglang tumayo.
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
General FictionLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...