Finale season: season 3 kabanata 37

101 5 1
                                    

Tumakbo ako palabas ng tent at dito'y bigla akong sinalubong ng malakas na pagsabo'y ng confetti.

"Happy Birthday Nick!"bati ng lahat—nandito ang aking mga pamilya, ka klase, mga guro at dorm mates ko.

"Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa'yo? Happy Birthday babe,"wika ng isang lalaki sa likod ko, kaya't napalingon ako dito.

Nanlaki ang aking mata noong makita siya at the same time tuwang hindi maipaliwanag,"Zanbrix?"

"Tama ka buhay ako, anong masasabi mo sa surprise ko? Nagulat ka 'no?"nakangisi niyang wika.

Dahil gusto kong makasigurado ay kinusot ko ang aking magkabilang mata, ngunit hindi ako nagkakamali dahil buhay nga siya! Nakasuot ito ng polo at nakikita ang kanyang matikas na dibdib.

"P*tang ina Zanbrix anong kahayupan ito? Anong nangyayari?"bulalas ko sabay dakot ng buhangin at hinagis sa kanya.

Tilian ang mga tao sa aking paligid at kaagad na lumapit upang pigilan ako samantalang si Brix ay hagalpak ng tawa at nagtatakbo palayo.

"Bwisit ka bumalik ka dito! Gago ka hinding-hindi kita mapapatawad!"galit kong sigaw.

Kabanata 37: The Plan

Zanbrix Cassanova Point Of View

Patuloy ako sa pag-iwas sa mga buhangin na hinahagis sa'kin ni Nick. Puro tawa lang ako samantalang siya ay inaawat ng dorm mates namin. I'm sorry for that, I just wan't to give him a unexpected surprise, wala akong magagawa kung matalino ako sa pagiisip ng surprise, I love unexpected surprise tho.

"Gago ka! Hindi magandang biro itong ginagawa mo, hayop ka!"sigaw nito't napaluhod siya sa buhanginan samantalang ako ay tumigil na sa pagtakbo't lumapit sa kanya.

Tumikhim ako, "Sorry na okay alam ko na mali itong ginawa kong plano, kung na saktan man kita ay.... Sorry na, at least nandito na ako sa harap mo nakatayo para ipaalam ka sa parents mo na kung pwede ay legal na tayo."tugon ko naman.

Napasabunot siya ng kanyang buhok saka sumigaw, "Pero paano? Paano mo ginawa ang lahat ng ito. Patay ka na! Kitang-kita ng dalawang mata ko, Brix sabihin mong ilusyon ka lang please hindi pa ako nababaliw!"

Natawa ako't lumuhod upang pantayan siya ngunit napansin kong muli siyang dumukot ng buhangin kung kaya kaagad akong umatras at napalunok ng walang laway.

"Listen, hindi ako namatay at ang lahat ng iyon ay palabas lang. Naaalala mo noong nasa rooftop tayo? Hindi ba't napansin mong sumakit ang tagiliran ko? Hindi dahil may sakit ako sa bato kundi pinigilan ko ang utot ko noon dahil nahihiya ako sa'yo. It's embarrassing kapag narinig mo akong umutot, siguro nga dahil sa pagpipigil ko ay naipon lahat ng hangin sa loob ko kaya sumakit."paliwanag ko dahilang para magtawanan ang mga tao sa paligid but I don't care, gusto kong mag explain.

"How about doon sa viral video naaalala mo? Palabas ko din iyon para kunwari ay kamuhian tayo ng tao. Don't worry piling studyante lang ang nakakaalam sa video and the rest pinakiusapan na lang namin nila Allyson na kunwari ay may scandal ka, hindi ba pre?"pagpapatuloy ko sabay tango kay Allyson.

"Yup that's true,"

"Eh sinong nag video?"nakakunot noong tanong ni Nick.

"Walang iba kundi si Allyson din lang,"sagot ko dahilan para tumingin si Nick kay Allyson ng matalim.

"Back to topic, dahil doon sa utot kong naipon sa loob, I'd came up na what if gawin ko iyon bilang palabas na may sakit nga ako since malapit na ang Birthday mo, I wan't tantalizing surprise. I don't want mediocre, ayoko namang mahuli sa mga barkada ko ayokong malamangan nila ako. Then pinakiusapan ko si Principal, at first mahirap pero dahil nga may share kami sa school ay pumayag siya kahit sa kabaliwan ko, my Mom didn't agree as well pero pinilit ko sila. Tapos doon sa Hospital naman, mahirap ang ginawa ko doon halos lahat ng pagpupumilit ay ginawa ko, nagalit pa sa akin 'yung tito ni Allyson na Director ng Hospital."

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon