kabanata 10

164 14 9
                                    

Teen Fiction Series:
School year 2020

@iMarjayNari
Written By: Kaminari amanashi


Zanbrix is on multimedia

Kabanata 10: Love in trouble

Umupo ako sa gilid ng aking kama at yumuko upang isintas ang suot kong highcut converse na sapatos. Habang sa ganoong posisyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba, ngunit pilit ko itong winawaksi at pilit na kinakalma ang aking sarili.

Tumayo ako at ngumiti sa harap ng full body mirror. "This is your first date Nick. I hope na maging maayos ito, sana huwag kang maging ek ek sa harap ni Allyson please lang makisama ka."bulong ko sa aking sarili at pumakawala ng buntong hininga.

Pinihit ko ang knob ng pito at dahan-dahang binuksan ito nang bumungad sa aking harapan ang isang pormadong lalaki. Napatitig lang ako sa kanyang sapatos hanggang sa inangat ko ang aking tingin.

Noong makita ko na ang kanyang mukha ay halos mapangiwi ako sa nakita. "Tanginuh Jimpo. Bakit anong kailangan mo?"tanong ko.

Nagpamulsa pa ito at napansin kong ngumunguya pa siya ng bubblegum. "Since weekend ngayon inaanyayahan ka namin na mamasyal sa kabilang bayan. Don't worry madami tayo bro, I guess lahat ng dormates natin ay sasama. Ano col?"anyaya nito.

"Sorry pero may importante akong lakad."tugon ko naman dahilan para bumusangot ito.

"Parehas kayo ng rason ni Allyson pero hindi na bale. Ingat ka nalang sa lakad niyo."ani Jimpo at tsaka naglakad paalis.

Ngumiti ako at sinundan siya ng tingin habang naglalakad siya pababa ng hagdan. Maya-maya ay napansin kong may taong paakyat sa hagdan at batid kong si Allyson na'to, ngunit sa hindi malamang dahilan ay parang natutuwa ako at sabik na makita siya.

Noong makaakyat na ito ay bumungad sa akin si Zanbrix na walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin sa akin.

"Bakit anong kailangan mo?"pagtataray ko dahilan para matawa ito.

"May lakad ka daw sabi ni Jimpo"

Humalukikip ako at inirapan siya. "So what? Diyan ka na nga at baka nagaantay na yung da— I mean yung parents ko."pagpapalusot ko dahilan para kumunot ang noo ni Zanbrix.

"Uuwi ka?"tanong nito.

"Oo uuwi ako sa amin dahil kailangan ko ng peace of mind. Yung tipong PEACE na hindi mo kayang ibigay, diyan ka na panget mo!"sagot ko sabay lakad at binangga ko yung balikat niya. Aray ang tigas a!

Ngunit bigla akong natigilan dahil hinawakan niya ang aking kanang braso. Mahigpit tulad ng dating pagkakahawak nito. "Aray! Huwag mo ngang higpitan. Bakit ba? Siguro naman pwede kong puntahan ang nais kong lugar."singhal ko.

Nilapit niya ang kanyang mukha at ngumiti. "Kung nasaan si Slave ay dapat nandoon din si Master. Gusto kong sumama sa bahay niyo."ani'to dahilan para matawa ako.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon