Season 2: kabanata 27

112 11 1
                                    


SCHOOL YEAR 2020
Written by: iMarjayNari

Author's note: Naisipan kong hindi na burahin ang account at stories ko. Dahil alam kong may nagbabasa ng mga ito kahit hindi sila nagpaparamdam. Kung isa ka doon ay maraming salamat, kaya ako naglagay ng author's note dahil ireremind ko lang na birthday ko na sa September 3. Omay hahaha! Kung nabasa niyo 'yung Highschool love on ay naglagay din ako doon noong tanong 2019. Iyon lang maraming salamat sa suporta.

[•—•—•]

Kabanata 27: Love and kindness

"Ang biography , o isang simpleng bio, ay isang detalyadong paglalarawan sa buhay ng isang tao,"wika ni sir Velarde habang sinusulat sa blackboard ang kanyang sinabi.

Wala kaming imikan, at ang lahat ng atensyon ay nakatuon lamang sa kanya. Sa klase lang niya kami tahimik, masiyado siyang strikto at ang gusto niya ay na sa kanya lang ang spotlight.

Humarap ito sa amin at tinuloy ang kanyang pagtatalakay,"Ito ay nagsasangkot ng higit pa sa mga pangunahing katotohanan katulad ng edukasyon, trabaho, relasyon at kamatayan; inilalarawan nito ang isang tao na nakaranas ng mga kaganapan sa buhay."

Maya-maya ay nagtaas ng kamay si Florence na nasa unahang hilera, "Ser, ibig sabihin po ba no'n na gagawa kami ng biography?"tanong niya nang hindi man lamang tumayo, at nanatili siyang nakasalampak sa kanyang upuan.

"Oo Mr. Ladesma, kaya kung pwede ba ay umupo ka ng maayos at baka mabato kita riyan ng chalk!"paninita ni Sir Velarde ngunit talagang matigas ang ulo nito't nanatili paring nakasalampak.

Naglakad ang aming guro papunta sa teachers table at umupo sa ibabaw nito. "Pwede kayong gumawa ng biography. It's either your friend o 'yung mga jowa niyo. Lalo ka na Mr. Ladesma gawan mo ng biography 'yung boyfriend mo doon sa kabilang school. Ilagay mo na rin kung bakit siya lumipat ng paaralan,"ani Sir kung kaya nagtawanan ang aming kaklase at ang iba ay nagkantiyawan.

Ibig sabihin ba nito ay hindi lang kami ni Zanbrix ang may relasyon dito; ukol sa relasyon ng magkaparehong kasarian? Hindi ko alam 'yun, a.

Umayos ng pagkakaupo si Florence at abot langit pa ang ngisi nito sa labi na wari'y nagmamalaki pa.

"Gusto niya kasing mag pokus muna kami sa pag-aaral namin ser. Maliban do'n ay gusto niyang magkahiwalay kami ng paaralan para hindi kami makasagabal sa isa't-isa,"tugon ni Florence na mas lalong nagkantiyawan ang aming kaklase, maging si Sir Velarde ay natawa habang nilalaro ang chalk sa kamay niya.

"Class quite!"ani Sir at dito nga ay unti-unting nawala ang ingay sa loob.

"Alam niyo class hindi kasi liberated ang ganitong uri ng relasyon, kaya Mr. Ladesma, umaasa akong mas tumatag pa 'yang relasyon niyo ni Allen. Sundin niyo kung ano ang nararapat,"payo ng aming guro na ikinangisi ni Florence. Ibig sabihin ay nagkamali nga ako, hindi girlfriend ang mayroon kay Florence kundi boyfriend.

Kusang ngumiti ang aking labi, kasabay nito ang paglingon ko kay Zanbrix na nakahalukipkip habang nakasandal sa kanyang upuan; Ngumiti siya't kumindat dahilan para balutin ako ng kilig sa 'king puso.

"Mr. Tenorio at Casanova, mukhang may something sa inyo riyan na hindi namin nalalaman. Kakaiba 'yung ngitian niyong dalawa, a."wika ng aming guro dahilan para manlaki ang mata ko at bumalik sa dati kong posisyon.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon