Dedicated to:JhonSteveSesbreno
Teen Fiction Series:
School Year 2020©iMarjayNari
(Kaminari amanashi)Kabanata 19: Go back
Abala kami sa paglilinis ng aming lawn assignment. Napunta ako dito sa C.R ng aming classroom at ang iba ay sa labas at likod ng aming building. Abala ako sa paglilinis ng kasilyas sa bawat cubicle habang suot ko ang surgery gloves at facemask. Patuloy ako sa pagkuskos at mariin kong naririnig ang lagaslas ng tubig galing sa bawat faucet ng cubicle.
Muli kong kinuha yung cleaning agent at binunod sa kulay puting tiles ng C.R, medyo nangingitim na kasi ang gilid nito kaya kailangan kong linisin ng maigi ang sahig.
Habang sa ganoong paglilinis ko ay narinig kong bumukas ang pinto ng C.R, kaya naman sumilip ako sa bandang pintuan at nakita ko ang isang estudyanteng nakatalikod, habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Hindi ko ito maaninag dahil sa nakakasilaw na liwanag sa labas kaya naman binalaan ko nalang ito.
"Hindi pa pwede itong comfort room, kung pwede doon ka nalang sa secondfloor."sabi ko at muling pinagpatuloy ang paglilinis.
"Ganyan ka ba makipag usap sa adviser mo?"narinig kong tanong nito na ikinakunot ng aking noo. Muli akong dumungaw at nakita ko yung adviser namin kaya naman agad akong lumabas ng cubicle at sinalubong ito.
"Sorry ma'am hindi ko po kasi naaninag kung sino yung nakatayo dito akala ko estudyante."kamot ulo kong wika. "Bakit po ma'am?"tanong ko.
"Malapit na kasi yung examination niyo ng first semester. Wala pa kasi yung form 137 mo dito, kaya kung pwede kunin mo yung form 137 mo doon sa former school mo. Kailangan kasi 'yon, sana makuha na as soon as possible."sagot ng aming adviser dahilan para makaramdam ako ng kaba, ibig sabihin ay pupunta ako sa dati kong school at makikita ko yung mga dati kong classmate.
Napalunok ako sa utos ng aming adviser, "sige ma'am subukan ko pong kunin mamaya."sabi ko sabay tango.
"Sige asahan ko 'yan, kasi kailangan na talaga. Kapag nakuha mo na puntahan mo nalang ako sa faculty room doon sa ground floor."ani'to sabay ngiti.
"Sige po ma'am."
Sinundan ko lang ng tingin yung adviser namin hanggang sa unti-unti itong makalayo at tuluyang mawala sa aking paningin. Napasingap ako at muling pinagpatuloy ang aking paglilinis.
Pagkatapos kong maglinis ay agad akong bumaba ng palapag papuntang locker room. Pagdating ko doon ay agad kong hinubad ang aking puting t-shirt at sinuot ang aming uniporme. Patuloy akong binabalot ng kaba at hiya dahil muli akong babalik sa dati kong paaralan.
Habang naglalakad ako ng hallway ay nakita ko si Zanbrix sa bandang dulo at makakasalubong ko siya, kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad at niyoko ang aking ulo.
"Saan ka naman pupunta?"tanong nito noong magkasalubong kami. Napatigil ako sa paglalakad maging si Zanbrix na nasa harapan ko, inangat ko ang aking tingin at pumakawala ako ng isang buntong hininga.
"Pupunta ako sa dati kong paaralan, kailangan kong makuha yung form 137 ko kasi kailangan na daw sabi ni Ma'am. Pero ang masama ay babalik ako sa impyernong pinanggalingan ko."wala sa kalooban kong sagot.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Teen FictionSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020