School Year 2020
written by: iMarjayNariKabanata 36: Born day
Unknown Point Of View
“Ayusin mo 'yan tanga hindi 'yan ang para sa lamesa, could you please use your brain, tss dumbass.”
"Hey chill! We won't finish anything kung puro ka satsat. Gusto mo pa bang ituloy ito?"aniya saka umupo sa ibabaw ng mesa, kinuyom ko ang aking magkabilang palad at dinuro siya dahil sa kanyang katangahan.
"You! Hindi mo ba alam na lamesa 'yan, men naman akala ko ba tutulungan niyo ako?"
"Mga tol rinig kayo sa labas, teka saan ko ba ilalagay itong mga kandila?"wika ng isa naming kasama habang nakasilip sa labas ng pinatayo naming tent. "Ahh, hanep mga tol ang bango naman, iba talaga kapag galawang mayaman."
"Gagawin talaga niya ang lahat basta masopresa niya 'yung pinakmamahal niya."kantiyaw naman ng isa habang kinakabit ang LED lights sa bawat corner ng tent.
"Oh sige na, basta 'yung plano huwag kayong papalpak lalo kana uy!"
"Oo naman basta ikaw men, kilala ka na namin. Lahat ng kabaliwan mo ay suportado kami,"tugon naman niya sabay lahad ng kanyang kamay na naka-thumbs up.
—••— Nick POV —••—
Biglang tumunog ang cellphone ko kung kaya't nagitla ako at bumalik ang aking atensyon sa kasalukuyan. Hindi ko namalayang napako pala ang aking atensyon sa orasan habang mariin kong naririnig ang tunog nito kasama ang walang hanggang katahimikan.
Mula sa pagkakahiga ay kinuha ko ang aking cellphone sa katabing night stand upang tignan kung sino ang nag message sa 'kin.
______________________________________
Message
MaMa: Punta ka dito sa bahay, naghanda kami para sa kaarawan mo. Happy Birthday anak!
______________________________________
Panandalian akong napangiti, si MaMa palang kasi ang unang bumati sa akin ngayong araw.
Ilang sandali pa'y umugong ang sunud-sunod na katok sa pintuan ng aking silid, kaya naman bumangon na ako't nag-inat ng katawan saka ito pinagbuksan.
"Maghapon kang nakakulong diyan sa kwarto mo, alas tres na 'di ka pa lumalabas ng silid mo."bungad ni Allyson.
"Bakit ano ba dapat ang gagawin ko ngayon? Saka wala naman pasok, gusto kong humiga maghapon. Uuwi pala ako mamaya ng bahay may kaunti kaming handaan, gusto mong sumama?"
"Hindi ako sigurado, pero kanina pa kita inaantay na lumabas. Pasyal sana tayo upang i-celebrate ang birthday mo,"sagot naman ni Allyson.
"Hindi na...Sabi ko nga gusto kong humiga maghapon, kailangan ko din ng pahinga lalo na't tambak tayo ng paper works sa campus."
Umiling si Allyson at bigla niya akong hinatak palabas ng silid. "Birthday mo ngayon, kailangan mo parin namang magsaya. Bakit ba sinasaktan mo 'yang sarili mo hindi ka ba naaawa?"
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Ficțiune adolescențiSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020