Season 2: kabanata 20

158 13 1
                                    

TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020

©iMarjayNari
(Kaminari amanashi)


Kabanata 20: Common

"Na settle na lahat para bukas. Excited na akong mag review kasama ka Nick."nakangiting wika ni Chai habang inaalug-alog ako kaya tila nakaramdam ako ng unting hilo.

"Oo na, itigil mo na okay. Ako din naman excited na."sabi ko sabay alis ng pagkakahawak niya sa aking balikat.

Napakagat si Chai ng ibabang labi at nagtatalun-talon dito sa corridor, natawa naman ako sa kanyang inasta dahil para itong bata. Well isip bata naman talaga siya.

"Kumusta na doon sa school?"tanong nito at sumilip sa ground floor mula dito sa ikatlong palapag.

Bigla naman akong nakaramdam ng tuwa dahil sa ginawa ni Zanbrix kanina. "Iyon parin naman ang dati nating school. At hindi parin nagbabago ang ugali ng dati nating ka klase. Pero, ang nakakatuwa ay dumating si Zanbrix at Allyson doon sa NNHS."sagot ko habang nakangiti ng malapad.

Nanlaki naman ang mata ni Chai habang nakatingin sa'kin. "Gosh! Hindi ko inaasahan 'yon. Paano nangyari I mean bakit sila sumunod sa'yo?"tila natutuwang panguusisa nito kung kaya't pumakawala ako ng isang buntong hininga.

Flashback

Napairap sa ere si TinTin, "wala kaming pakialam. Mabuti naman at madami kang natutunan dahil nakakahiya ka kung tatanga-tanga ka parin sa pinapasukan mong school."ani'to.

Tumango-tango naman si Rey Ann, "Oo ses, kasi kung patuloy kang bobo ay mapapahiya ang school namin. Kasi dito ka nanggaling e, paaralan ito ng matatalino at ikaw lang ang naligaw."puna naman nito.

"Huwag kayong mag-alala, hindi naman pabigat si Nick sa campus namin. Sa totoo nga siya palagi ang nag re-recite tuwing grading recitation. Gusto lang kita i-correct Miss, walang taong bobo sa mundo. Ang tawag sa kanila ay tamad. Hindi ko alam kung nag-aaral ka lang para sa ikakaangat ng dignidad mo."narinig kong wika ng isang lalaki sa aking likuran kaya naman sabay-sabay namin itong nilingon.

"Ally at Brix anong ginagawa niyo dito?"tanong ko noong makita silang dalawa.

"Nabanggit kasi ni amazona girl na binu-bully ka dito sa dati mong paaralan. Totoo nga ang inaasahan ko, mga pangit at pipitchuging mukha ang unang bubungad sa'kin."nakangisi namang sagot ni Brix.

"Well mga ses siguro 'yan yung mga namingwit ni Nick doon sa campus nila. Sayang gwapo pa naman, ilan ang binayad sa inyo one-fifty?"mapanuyang tanong ni Lesley sa dalawa kong kasama.

Natawa si Zanbrix, "Walang bayad Miss, ako lang naman ang boyfriend ni Nick. Huwag kang mag kakamaling saktan 'yang kasintahan ko."wika nito dahilan para manlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. Ngumiti lang ito at lumapit sabay akbay sa'kin.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon