Teen Fiction Series:
School Year 2020iMarjayNari
©Kaminari amanashi
Kabanata 15: MabagalNick Point of View
Nagtagpuan ko ang aking sarili dito sa gitna ng berdeng palayan at nangangahulugang nandito ako sa malawak na bukirin. Tirik ang araw at may kumpol na ulap na tila mga bulak sa kalangitan.
Mahangin kung kaya't malaya nitong dinuduyan ang mga palay na para bang alon sa dagat. Mainit ang hanging dumadampi sa aking balat ngunit hindi naman nakakapaso. Unti-unti kong pinikit ang aking mga talukap at sinimot ang preskong hangin.
Banayad ang hangin at sumasabay ang kanta ng mga ibon sa sipol ng hangin, para bang acapella na ang sarap pakinggan. Maya-maya ay binukas ko ang talukap ng aking mga mata at tumambad sa aking harapan si Zanbrix.
Ngumiti ito at tila bagay sa kanya ang suot nitong sweatshirt na kulay asul. Suot nito ang sombrero ng magsasaka at may putik pa sa braso nito, ngunit gwapo parin naman siya sa aking paningin.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi kaya naman kumurba din ang ngiti sa aking labi. "Anong ginawa mo dito? Doon ka nalang sa kubo at antayin mo ako do'n. Baka maputikan ka pa, ayaw ko namang madumihan ang damit mo."wika nito at lumapit sa aking kinatatayuan.
"Gusto kitang samahan dito, baka kasi sabihin mong tamad ako."tugon ko naman at nilingkis ang aking kamay sa batok nito at siya naman ay humawak sa aking baywang.
Nagdikit ang aming noo at kapwa kami gumawad ng matamis na ngiti sa isa't-isa. "Bakit ko naman sasabihan ng ganon ang kapareha ko."bawi nito dahilan para matawa ako ng marahan.
Ganon parin ang aming posisyon.
"Kumusta ang mahal ko? Naiinip ka na ba kaya gusto mong samahan ako dito sa bukid?"tanong nito.
"Hindi naman ako naiinip. Mainam na tulungan kita dito para naman matuto ako. Paano na kung nagkasakit ka? Sino ang magpapatubig at aasikaso ng bukid? Edi wala na."sagot ko naman at bumitiw kami sa isa't-isa.
Umakbay ito sa akin at tinungo namin ang munting kubo bilang pahingaan. Pagdating namin dito ay umupo kami sa papag at kapwa naming pinagmasdan ang malawak na parang.
"Nick."Pagtawag nito ngunit nakatingin parin ito sa kawalan.
"Hmm" at dito ay lumingon si Brix.
"Ipangako mo sa akin na mananatili ka sa tabi ko kahit na anong mangyari. Kung naging masungit man ako sa'yo ay lambing ko lang yun."ani'to dahilan para matawa ako at hinilig ang aking ulo sa balikat nito.
"Promise are meant to be broken, bakit naman ako mangangako kung pwede naman akong manatili sa tabi mo habang buhay."tugon ko naman.
Narinig ko itong huminga ng malalim at hinilig ang ulo nito. Maya-maya ay napansin kong gumuhit ang pulang liwanag sa kalangitan.
"Sandali, ano ang liwanag na iyan. Hi-Hindi ba bulalakaw ang isang 'yan?"tanong ko at pilit na inaaninag kung ano ang liwanag na yun. At natitiyak kong babagsak ito sa aming direksyon.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Genç KurguSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020