Season 2: kabanata 16

152 11 1
                                    

Teen Fiction Series:
School Year 2020

written by: iMarjayNari
©Kaminari amanashi


Kabanata 16: After

Dalawang linggo ang nakalipas mula noong naganap ang Junior Senior Promenade. Tulad ng dati, natapos ang pinakamasayang yugto na inaasam ng bawat mag-aaral. Natuwa naman ako sa mga pangyayari ngunit hindi parin nagbabago si Brix. Tungkol naman sa naganap na JS Prom, itinanghal bilang Prom King si Allyson dahil sa kakaiba nitong suot at siya ang boto ng lahat. Samantala, galing naman sa ABM ang naging Prom Queen na naging kapareha ni Allyson sa Event.

Iyon ngalang, medyo nagtampo sa akin si Allyson dahil hindi ako sumipot sa kanya noong unang tugtog at huling musika. Pakiwari niya daw ay napako ang kanyang pangako. Ngunit, hindi na mahalaga ang bagay na yun. Dahil, nandoon naman si Brix na isayaw ako ng mabagal...

"... Natapos din ang inyong event, I'm sure na maraming nag enjoy sa inyo noong Prom. So ngayon nais kong ipaalala ang nalalapit niyong first semester examination. Sa group chat niyo malalaman ang tungkol sa ipapasang requirements, good luck nalang sa mga running for honor student. But remind ko lang, grades is just a number. Class dismiss."wika ng aming guro sa Physical Science.

Parang kinabahan naman ako sa sinabi ng aming guro. Pakiwari ko'y ginaganahan akong mag-review mamayang gabi. Gusto kong makapasok sa honor list upang mabago ko ang aking sarili. Kahit na sabihin nilang numero lang ang grado, ay mahalaga parin sa akin ito. Dahil dito ko malalaman ang aking progress kung may improvement ba o wala.

"Nick punta ka sa bahay if mag re-review ka na. Gusto ko kasing may kasama, kasi gumagana lang itong utak ko kapag may kasamang nag re-review, study buddy kumbaga, ano game ka?"tanong ni Chai noong makalapit sa aking kinauupuan.

"May nalalaman pang review babagsak din lang naman."bulong ni Brix mula sa likod.

Lumingon ako at inirapan siya. "And so! Kaya nga kami mag re-review 'diba para hindi bumagsak, utak hito!"

Umismid lang si Brix at sinalpak ang headphone sa tainga nito. Nakita ko namang umirap si Chai sa ere.

"Ano game? I'm one thousand percent sure na hindi ka makakapag focus kung sa dormitory ka mag re-review."nakangising sabi ni Chai kaya tinaguan ko siya.

"Sige sa sabado kita tayo doon sa labas ng dormitory."

Bumalik na si Chai sa kanyang upuan dahil nandito na yung guro namin sa Practical Research 2. Nagkaroon ng malawakang pagtatalakay at inubos namin ang oras sa pag-aaral, kailangang tapusin ang mga lessons na hindi namin na tackle dahil sa naganap na JS Prom.

Hindi ko alam bakit parang may kakaiba ngayong araw, dati rati ay ini-istorbo ako ni Brix sa tuwing nakatutok ako sa lesson. Pero ngayon bakit tila ang tahimik nito at wala akong marinig na kahit anong imik sa aking likuran.

Bahagya akong napalingon sa kanya at napansin ko itong nakikinig sa discussion ng guro habang nginangat-ngat ang hawak nitong ballpen. Marahil gusto din niyang makapasa sa exam, hindi na masama at least matiwasay ang araw na'to.

"Mr. Tenorio nandito ako sa harap at hindi si Mr. Cassanova ang nag-di-discuss."mataas na tonong sabi ng aming guro dahilan para manumbalik ako sa kasalukuyan. Siyete! Nakatingin pala ako kay Zanbrix.

"Sorry sir."paghingi ko ng paumanhin at napansin ko na ang lahat ng aking ka klase ay nakatingin sa akin

"Kung saan kasi nakatingin ayan tuloy napagalitan, Kung na po-pogihan ka sa'kin sorry dahil hanggang tingin ka nalang."narinig kong bulong ni Brix sa likuran.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon