season 2: kabanata 32

88 10 10
                                    

©School Year 2020
iMarjayNari

Kabanata 32: Stop, it hurts!

Naantala ang aking pagtulog dahil sa sunud-sunod na katok na nagmumula sa labas ng aking silid. Kaya naman kaagad kong minulat ang aking mga mata at napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto; araw pala ng sabado ngayon.

Bumangon na ako't suray-suray na naglakad upang pagbuksan ang kumakatok, palagi na lang ganito 'yung tipong ang sarap ng tulog mo tapos biglang maaantala.

Pinihit ko ang busol ng pinto't mabilis na binuksan. "Cleaning day ngayon, ikaw na lang ang inaantay sa labas,"bungad sa 'kin ni Brix, ngunit bago pa man siya matapos mag salita ay nakalagpas na 'ko at pumanhik na pababa ng hagdan.

Pagkababa ko ay sumalubong agad si Allyson, nakasilay ang matamis na ngiti sa labi at hawak niya ang isang baso ng gatas.

"Gatas para kay Nick na bagong gising. Mukhang masarap ang tulog mo, a. Napagod ka ba kahapon?"

"Ang sweet naman, hindi mo naman kailangan gawin 'to. May paa at kamay naman ako para mag timpla ng gatas. Pero thank you ang bait mo talaga."

Napakamot si Ally sa kanyang patilya sabay ngisi, "Inumin mo na para makapag linis na tayo, pagkatapos ay pupunta tayo sa bahay niyo, para naman makilala na nila ako,"aniya.

"Sige ba, sasabihin ko—"

"Boyfriend mo ako,"ang pagputol niya sa 'king sasabihin dahilan para masamid ako.

Natawa si Ally habang pinapagpag ang aking likod, samantalang ako ay patuloy sa pag-ubo at tila nangangati pa ang lalamunan ko.

"Masiyado mo naman atang sineseryoso. Oh! May gatas ka pa sa labi,"wika ni Ally sabay punas ng kanyang hinlalaki sa gilid ng aking labi. Habang sa ganoong posisyon ay napansin ko si Zanbrix na napako doon sa hagdanan habang nakatingin sa amin. Umiwas ako't hinawakan ang kamay ni Allyson upang pigilan sa kanyang ginagawa.

"Ahtama na baka mamaya magalit sila sa 'tin, tayo lang 'yung hindi naglilinis dito,"sabi ko at tumango naman ito.

Nahagip ng aking mata na bumaba si Zanbrix mula sa hagdanan at maya-maya ay napadaan siya dito ng hindi man lang nag sasalita.

"Tol!"pagtawag ni Ally kay Brix nang lumingon ito habang nakakunot ang noo. "Ingat ka mamaya, laban lang,"ani'to dahilan para suminghal si Brix at umiling-iling.

"Bakit sa'n ba siya pupunta?"pang-uusisa ko.

"Wala, tara na nga mag linis na tayo sa labas."tugon naman ni Ally at inakbayan ako palabas ng dormitory.

Naglinis kami sa garden ng dorm, minsan inuutusan ako ni Brix pero hindi ko siya pinapansin. Mayroon 'yung magkakasalubong kami, pero bumabaling ako sa ibang direksyon at iniiwasan ito. Gusto ko lang naman iparamdam 'yung ginawa niya sa 'kin kahapon. Lalong-lalo na 'yung malutong nitong mura at pagbabalibag niya ng bote sa'king harapan.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon