kabanata 9

163 11 6
                                    

Teen fiction Series:
School Year 2020

@iMarjayNari
(Kaminari amanashi)


Kabanata 9: It's my day

Malakas ang lawiswis ng hangin ngunit mainit ang dala nito dito sa ground. Kanina ko pa inaantay si Chai upang makasabay ko siyang umuwi.

Nagmumuni-muni ako dito sa paligid at halos wala na akong makitang estudyante dito sa ground.

Habang sa ganoong pagtambay ko dito sa ilalim ng Peach tree ay nakarinig ako ng kalukos mula sa aking likuran kaya inusisa ko ito kung sino. Hindi ko alam kung tatawa ako ng malakas dahil bumungad sa akin si Brix na nakabusangot habang hawak ang nalantang bulaklak.

"Hindi na masama, biyernes ngayon at bumagay sa ekspresyon ng mukha mo."pagpipigil ko ng tawa sabay takip ng aking bibig.

Umasim ang mukha ni Brix, "Huwag mo nga akong asarin tadyakan kita diyan e. Tsaka ano pang inuupo upo mo dito? Umuwi ka na ng dorm."sabi nito.

"May inaantay akong tao kung gusto mo ikaw na ang maunang umuwi."tugon ko naman.

Umirap ito sabay lahad sa akin ng bulaklak. "Oh! Sayo na 'yang bulaklak, lecheng pagibig"wika nito dahilan para matawa ako.

"Bakit busted ka hano? Sabi ko na nga hindi mo bagay magkaroon ng jowa, attitude ka kasi! Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Kasi ang pagmamahal mo sa sarili mo ay magiging repleksyon 'yan sa'yo. Kung gaano mo kamahal ang sarili mo ay dapat ganon ka din sa mga tao, hindi lang sa kasintahan at pamilya pati na din sa mga nakakasalamuha mo!"

Tumingin ito sa akin at pinanliitan ako ng mata. "At ano namang alam mo sa pagibig? Diyan ka na nga. Bahala ka na sa bulaklak nakakairitang tignan."wika nito sabay talikod sa akin at naglakad.

"Ay plant versus zombie lang ganon? Sabagay zombie ka naman, alam mo kung bakit? Kasi wala ka nang puso! Manhid at walang awa."sigaw ko sa kanya dahilan para matigil ito sa paglalakad. Tumayo ako at nilapitan si Brix.

Tinapat ko sa kanyang bibig ang hawak kong bulaklak dahilan para kumunot ang noo niya. "Oh 'yan kainin mo na tulad ng sa larong plants versus zombie"sabi ko dahilan para tabigin niya ito.

"Ilayo mo nga sa akin 'yan. Hoy ikaw wala ako sa mood ngayon, kaya kung pwede huwag mo akong asarin dahil baka umuwi ka na may dalang black eye. Tsaka mag mouth wash ka nga, nabubulok na 'yang bunganga mo"sabi nito dahilan para amuyin ko ang hininga ko. Totoo nga!

"Geh. Alis na ako umuwi ka na din dahil may curfew sa dorm, dapat alas cinco ay nandoon na ang lahat. Tandaan mo mahalaga ang oras"nakangising wika nito sabay lakad palabas ng main gate ng aming campus.

"Aba! Si Mr. Pangitugali ay may hugot sa buhay pagkatapos ma busted!"pagpaparinig ko.

"Gago!"narinig kong tugon nito. Napatingin ako sa damuhan at pinulot ko isa-isa ang mga bulaklak. Sayang kasi kung itatapon lang, alam kong naglaan ng oras at effort si Brix upang mabili itong bulaklak ngunit napunta lang sa wala.

"Tara na mamaya mo na titigan 'yang special flower with lanta mode, anyare bakit nalanta ang flower?"narinig kong wika ni Chai.

Ngumisi ako, "nandiyan ka na pala. Na busted si Pangitugali. Buti nga sa kanya"sabi ko.

Napatakip si Chai ng bibig at tumingin sa taas na parang may iniisip. "So it means mali ako?"tanong nito na ikinakunot ng aking noo. "I mean mali ako na may something kayo ni Brix at binigay niya yung bulaklak sa'yo bilang pagpaparamdam ng pagmamahal."panililinaw niya dahilan para matawa ako.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon