TEEN FICTION SERIES:
School Year 2020
@iMarjayNari
Kaminari amanashi
Kabanata 12: You made my day!Nick Point Of View
"...Inuulit ko, magkakaroon ng Junior Senior Prom ang Saint luis, kaya ngayon palang magisip-isip na kayo ng isusuot niyo. Ito ay pinapatupad ng ating Principal kaya see you nalang sa Prom. At isa pa, matagal niyo na'tong hinihiling. Kaya naman, this is your time to shine. The official date of our Prom ay ipapaskil sa bulletin board sa groundfloor malapit sa faculty room."salaysay ng aming adviser dahilan upang mag bulungan ang aking mga ka-klase. Sari-saring reaksyon ang namayani sa aming classroom at karamihan ay natuwa. Samantalang ako, abala sa pagsusulat at walang pakialam sa nagaganap, wala din lang naman akong gagawin sa Prom na yun, kaya mas mabuting hindi nalang ako sasali at uuwi nalang ako ng bahay.
Mula sa unang hilera ay napansin kong may kumakaway sa akin kaya naman inangat ko ang aking ulo upang tignan ito — si Chai, nakangiti habang kumakaway kaya naman tumugon din ako ng ngiti. Tumayo ito at lumapit sa aking kinauupuan.
"Sali tayo sa Prom. Sigurado ako masaya yun tsaka never pa akong naka-experience ng JS prom, ano sali tayo?"pag-aya nito sa akin.
Umiling ako at ngumiti, "Hindi ako sumasali sa ganiyan. Wala din lang akong gagawin sa mismong prom, kung gusto mo ikaw nalang for sure may mag-aaya sa'yo ng sayaw."tugon ko naman dahilan para sumimangot ito.
"Nick ano ka ba!"
"Sorry Chai pero hindi talaga e. Magiging kaawa-awa din lang ako sa mismong araw ng prom. Tsaka uuwi nalang ako ng bahay, sigurado ako mag-e-enjoy ako dun. Alam mo na, hindi ako belong sa mga school party o prom."
Kumunot ang noo nito. "Nick, hindi naman mahalaga kung may mag-aaya sa'yo ng sayaw, ang mahalaga doon ay kung paano mo i-enjoy ang araw na'yon. Basta! Gusto ko nandoon ka sa araw ng prom."pagpupumilit ni Chai dahilan para mapakamot ako ng batok.
"Ewan ko. Basta huwag mo akong asahan dahil kapag sinabi kong hindi. Hindi talaga ako pupunta."tugon ko naman at pinagpatuloy ang pagsusulat. Samantalang si Chai ay napansin kong nagkibit balikat at umalis sa harapan ko.
Pumakawala ako ng isang buntong hininga at sinara yung notebook na sinusulatan ko.
"Nakakawalang gana."bulong ko sa hangin.
Pumasok ang aming guro sa Physical Science at nagsimulang magturo. Humalumbaba lang ako sa aking lamesa at nakinig sa nakakabagot at nakakalitong pagtatalakay ng aming guro. Ngunit, hindi ko magawang mag pokus dahil lumilipad ang aking isip, kahit na pilit kong iniintindi ay mas lalong nagugulo ang mga ideya sa aking utak. Ilang oras din ang kanyang pagtatalakay hanggang sa tuluyan nang tumunog ang bell.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Teen FictionSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020