TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020iMarjayNari
@iMarjayNari
"Omay! Pinutol ni Brix ang buhok ng lalaki nakakaawa naman."narinig kong bulungan sa paligid dahilan para bigla akong tumayo at napatingin kay Brix na tawa ng tawa. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong hindi pantay ito.Hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit ngunit kusang gumalaw ang naka kuyom kong kamao at lumanding sa mukha ni Brix dahilan nang pagdugo nito sa kanyang bibig. "Gago ka! Anong ginawa mo sa buhok ko!"
Halos mapanganga ang mga tao sa paligid dahil sa pagsuntok ko kay Brix na nakabulagta sa sahig.
Kabanata 3: Si Nick na Palaban
Dahil sa ginawa kong iyon ay halos atakihin ako sa puso dahil sa sobrang galit. Agad na umawat ang mga tao sa paligid lalong lalo na yung inaaway kanina at yung lalaki na nakangiti kay Zanbrix.
akma kong lapitan si Brix na nakahandusay sa sahig nang harangin ako ng lalaki,"Kalma lang! Please pag-usapan niyo ni Zanbrix ito ng maayos.". Sabi nito at napansin kong nakatingin ang ibang babae sa akin at maya-maya ay mabilis na pumasok ng Dorm.
Hanggang sa kaming apat nalang ang naiwan. Si Brix at yung dalawang lalaki. "Jimpo ikaw na ang bahala diyan sa bagong lipat, ipasok mo na siya sa loob at baka tuluyan silang away. Ano bang naging problema nilang dalawa at parang ang lalim ng galit nila sa isat-isa."wika ng lalaki sabay alalay kay Brix na tumayo. Nakatingin lang si Brix ng matalim sa akin at speechless ang gago.
Tumingin sa akin yung lalaki na nag ngangalang Jimpo at parang natatawa pa. "Bro. Ibang klase ka! Alam mo ba na sa lahat ng estudyante dito ay si Allyson at ikaw lang ang nakapag pabagsak kay Brix?"namamangha nitong wika habang pumapalakpak pa.
Kumunot ang noo ko. "Sinong Allyson?"tanong ko.
Ngumiti ito at tumingin sa lalaking nakaalalay kay Brix. Tumango-tango nalang ako habang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman ito sabay kindat sa akin.
Nilapit ni Jimpo ang kanyang bibig sa aking tainga na nagbigay ng kiliti sa akin"Silang dalawa ay tinatawag naming Yin at Yang, si Allyson ay ang pinaka mabait sa lahat at campus crush sa Saint Luis. Samantala kabaliktaran naman kay Zanbrix na ubod ng sungit at walang nagtatagal na relasyon sa kanya dahil napakasuplado at walang tiyaga."bulong ni Jimpo dahilan para matawa ako.
Ngumisi ako at dumura. "Ayos ka lang? Diba hinagis ka niya kanina bakit hindi ka lumaban. Dapat matuto ka"sambit ko nang umiling ito na wari'y takot na takot.
"Hindi namin kayang gawin yun bro ikaw lang, hanep! Parang nakahanap na si Brix ng katapat!"nakangiting sigaw nito sabay taas ng aking kamay. Nangiti lang si Allyson sa akin samantalang si Brix ay nakasalubong ang kilay at binabalutan ng awra ni satanas.
"Hindi ako matatakot sa titig mo ulol, sayang ka gwapo ka pa naman."singhal ko sa aking sarili.
"Hoy Ikaw!"narinig kong tawag sa akin ni Brix ngunit nilagpasan lang namin ito ni Jimpo at pumasok kami ng pintuan. "Aba! Talagang iniinis mo ako kutong lupa ka!"sigaw pa nito at natawa lang kami ni Jimpo. Ang problema ko nalang kung paano maaayos ang buhok ko. Damn you Brix! Gusto kitang sakalin hanggang sa mawalan ka na ng hininga.
---•••---
Nandito kami ngayon sa malawak na salas ng Dorm. May locker sa tabi ng pintuan bilang lalagyan ng gamit. May floor mat ang sahig at may mga sopa sa gitna. Meron din itong lalagyan ng mga libro sa gilid ng flatscreen na T.V, at tulad ng inaasahan ko ay magkahalo ang lalaki at babae sa dormitoryong ito ngunit magkahiwalay ang kwarto ng lalaki at babae na nasa ikalawang palapag.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Teen FictionSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020