Dedicate to: JhonSteveSesbreno
TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020@iMarjayNari
Written by: kaminari amanashiKabanata 8: Date
Huminga ako ng malalim at inaantay na mag-serve ang kalaban. Tumutulo ang pawis sa aking noo at patilya dulot ng pagod.
Maya-maya ay gumalaw ito at lumipad ang shuttle cock sa ere. Mistulang slowmotion ang paglipad nito hanggang sa kusang gumalaw ang aking mga paa at lumundag ako ng mataas. Inipon ko ang lakas sa aking kamay at tsaka pwersang hinampas ang shuttle cock dahilan para sumibat ito sa court ng kalaban at bumagsak sa sahig.
Napatayo ang mga manonood dito sa court maging si Chai na nakahawak ng isang botelyang tubig at bimpo nang Binalot ito ng nakakabinging sigaw dito sa buong court.
Ngumiti ako at nagtatalon-talon dahil sa tuwa, "Yes! Nanalo din sa wakas"sigaw ko at nagsibabaan ang mga ka teammates ko sa stand ng court at niyakap ako ng mahigpit kahit na basang-basa ako ng pawis.
Lumapit si Chai at inabot ang tubig at bimpo. "Nice game Nick! Ibang-iba ka na, noon ay hindi ka sumasali sa ganitong kompetisyon, pero ngayon. Heto nakatayo ka sa court at naipanalo mo pa ang team natin"nakangiting wika nito dahilan para matawa ako.
"Ano ka ba. Labanan lang naman ito ng bawat team grabe naman parang nanalo naman ako sa isang international competition. Pero salamat sa suporta sigurado ako hindi na magaaway ang team Raven at ang team nating white Eagle."tugon ko naman sabay bukas ng isang botelyang tubig at nilagok ito.
Ngumisi si Chai, "Mukhang unti-unti mo nang nababago ang sarili mo Nick. Pero nais kong malaman mo na masaya ako, ano pa kaya ang kulang hmmm. Ay alam ko na wala ka paring jowa! Pero hindi naman mahalaga ang bagay na yun dahil ang nasa top list mo ay makapasok sa Honor list."ani 'to
Natawa ako at inabot sa kanya ang bote ng tubig. "Sa totoo lang may taong umalok sa akin na maging kandidato bilang kasintahan ko. Siyempre pinagiisipan ko pa dahil nakakahiya sa buong campus lalo na't campus idol siya. Ayoko namang masira ang image niya dito kaya natatakot akong i grab yung oportunidad na maging temporary jowa ko siya"nakikilig kong wika.
Kumunot ang noo ni Chai, "sino naman 'yan? Naku may hindi ako nalalaman tungkol sa'yo a, sabihin mo naman."wika ni nito sabay gawad ng nakakalokong ngiti.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa pintuan ng court upang kumuha ng buwelo nang makita ko ang isang lalaki na naglalakad papunta dito sa aming direksyon. Napansin kong napatingin din si Chai kahit na nakatingin ako sa lalaking yun.
Nagsimulang yanigin ng hiyaw dito sa loob ng court.
Bumusangot ako nang makita ko si Zanbrix, naglalakad ito habang bitbit ang isang plastik na ngiti. Nakasuot ito ng P.E uniform namin, kulay grey na nylon T-shirt at kulay grey din na pants.
Naramdaman kong kinalabit ako ni Chai kaya tumingin ako sa kanya nang makita ko itong nakangiting nangaasar. "Hindi mo sinabi sa akin na nagbati na pala kayo ni Brix. Kaya naman pala may binigay sa'yong pagkain noong nakaraang araw dahil may something na. Umamin ka na besh! Dahil bistado ka na, then one thing si Zanbrix din ba ang nag offer sa'yo na maging temporary jowa mo siya?"tanong nito dahilan para mapangiwi ako at umiling-iling.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Roman pour AdolescentsSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020