Kabanata 2

282 20 7
                                    

TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020

iMarjayNari
@iMarjayNari

Kabanata 2: My Dorm

Nick Point Of View

Nandito ako ngayon sa hapag kainan habang pinagmamasdan ang nabasag kong cellphone. Walang konkretong ideya na pumapasok sa aking utak, parang hinahangin ito at wala sa direksyon. Ngayon pala ang araw na lilipat ako sa Dorm ngunit parang may kabang namumuo sa aking kaibuturan na parang nais kong umatras at huwag nalang mag-aral.

Hindi ko alam kung ano itong pinasok ko na gulo, kailangan kong ayusin ito sa lalo't madaling panahon. Nakakaramdam ako ng malalakas na kalabog ng aking dibdib sa tuwing sumasagi yung lalaki sa isip ko. Oo gwapo siya pero hindi yun ang dahilan ng kaba ko kundi yung demonyo nitong ugali. Isama mo pa itong basag na cellphone at kailangan kong ipaayos. Ang malas talaga ng unang araw ko sa Campus arrgh! Bwisit ka talagang Boypangitugali ka!

"Bro! Bilisan mong kumain, diba lilipat ka ngayon?"tanong ni Kuya kaya naman dali-dali akong kumain at kinuha ang nakasampay na tuwalya sa balikat ni Kuya. "Ako na ang mauna kuya. Madami pa akong tatapusin ngayon"

Nagtungo ako sa Banyo at mabilis na naligo, inayos ko lahat gamit ko at inilagay sa maleta. Pagkatapos non ay agad akong lumabas ng aking silid at nadatnan ko sina Kuya, Mama, Papa, Lola, Bunso at si Ate. Lukot ang mukha nila at nalulungkot.

"Bibisita ka dito a!"sabi ni Ate at mabilis akong lumapit sa kanila at nagyakapan kami sa isat-isa. "Ang oa niyo naman parang dinaig ko pa ang pupunta sa abroad."bulong ko habang niyayapos ang kanilang likod

"Basta bro kapag nalulungkot ka, tumawag ka lang sa akin"sambit ni Kuya. Bumitaw na ako at pumakawala ng isang buntong hininga. "Para sa pangarap"sabay taas ng aking kamay.

"Para sa pangarap!"tugon din nila at muli kaming nagyakapan. Pagkatapos non ay lumabas na ako ng bahay habang hila-hila ang maleta ko. Tumambay muna ako dito sa waiting shed upang mag-antay ng sasakyan.

---••---

"kuya dito muna ako."at bumaba ako ng Jeep. Pumasok ako dito sa loob ng pagawaan ng mga gadgets upang mag tanong kung magkano kapag ipapaayos ito. "400 pesos, nasira kasi yung pinaka loob nito kaya dapat mapalitan yung screen nito."

Ganon na ba talaga kalakas yung pagkakahulog nito?

"Sige kuya babalik ako kapag may pera na ako."sabi ko sabay labas ng shop. Pumara ako ng traysikel upang magpahatid sa adress ng tutuluyan kong Dormitoryo malapit lang sa Campus, magkaiba kasi ang lugar ng mga Dorm at Campus, magkahiwalay ngunit magkalapit lang.

Pagbaba ko dito sa isang malawak na gate ay nagbayad ako at pumasok sa loob. Madaming estudyante, ang iba ay magkakakilala samantalang ako ay mag-isa si Chai kasi malapit lang ang bahay nila dito sa Campus. Nasa tatlong palapag ang mga building dito at sa bawat sulok at pasilyo ng lugar ay may mga estudyanteng pakalat-kalat. Naglakad pa ako papasok nang marating ko ang Dalawang palapag na dorm. Malawak naman at maganda, may bakod na nakapaligid sa rooftop at may bench pa sa taas at sampayan.

Pumakawala muna ako ng isang buntong hininga bago tumuloy nang biglang may tumilapong lalaki mula sa main entrance ng Dorm, kasabay nito ang paglabas ng isang lalaki na may hawak na grass cutter. "Teka pamilyar kang lalaki ka a!"bulong ko sa aking sarili habang inuusisa yung nakatayong lalaki na may hawak na grass cutter.

"Diba sinabi kong magputol ka ng damo sa likod?!"

"Heto na nga magdadamo na! Kaaga-aga ang init ng ulo mo!"

"Wala kang paki! Bilisan mo ayaw ko ng batugan!"

Halos manlaki ang mga mata ko noong maaninang ko yung lalaki na nabangga ko. Napakagat ako ng aking mga daliri at kinubli ang aking sarili dito sa likod ng malaking Puno ng mangga. Bakit nandito nanaman siya? Huwag niyang sabihin na ka dorm ko siya?

Maya maya ay nahagip ng aking mata ang pagdating ng isang lalaki kasama ang mga babae, nakatayo lang ito habang pinagmamasdan yung demonyong lalaki na pinapagalitan yung hinagis niyang lalaki. "Kahit kailan talaga mainit parin ang ulo ni Brix"bulong ng lalaki sa gilid ko sabay pamulsa at nakangiti.

Sino kaya yung tinutukoy niyang Brix? Posible kayang si Boypangitugali ang tinutukoy niyang Brix?

"Bumangon ka na diyan! Gusto kong wala kang ititira kahit anong damo sa paligid nakuha mo ba!"sigaw ng lalaking nag ngangalang brix (ata?)

Hindi ko alam kung bakit kusang tumayo ang aking katawan at humakbang papalapit sa lalaking nakabangga ko sa Campus. Kinuyom ko ang aking kamay at inipon ang lakas sa aking paa kahit na kanina pa ito nangangatog dahil sa kaba. "Hoy! Itigil mo nga 'yan! Pwede ka namang mag-utos nang hindi sumisigaw, para kang taga bundok!"bulalas ko nang tumingin ito ng matalim sa akin.

Napaatras ako at lumunok ng walang laway, "Hi-Hindi naman kasi bingi 'yang kausap mo tsaka nasasaktan din siya."

Tumawa yung lalaking hinagis kanina, tumayo ito at pinagpag ang damit. "Huwag kang mag-alala ganito talaga si Zanbrix dito sa Dorm, bago ka--aray ko"binatukan ito ni Zanbrix.

Tama nga ako Brix pala o kaya naman Zanbrix.

Nakatingin lahat sa amin pati yung lalaki at mga kasama niyang babae. Humakbang palapit sa akin si Zanbrix habang nakapatong sa kanyang balikat ang hawak na Grass cutter. "At talagang matigas ka dahil nagpakita ka pa sa akin, kumusta yung cellphone ko ayos na ba?"nakangising wika nito. Umiling ako bilang tugon dahilan para matawa ito.

"Hi-Hindi pa kasi wala pa akong pera. Tsaka lilipat ako dito sa Dorm, a-ako si Nick, may problema ba?"

Kaharap ko na siya ngayon at pilit kong tinatakasan ang mga tingin niya na pilit hinuhuli ang aking mga mata. "Ako ang pinaka head sa Dorm na 'to, ako si Zanbrix Casanova, alam mo ba kung sino ang binangga mo?"

Tumingin ako saglit sa mukha niya at bigla akong nakaramdam ng kalabog ng aking dibdib kaya agad kong binawi ang aking tingin. "Wala akong pakialam kung sino ka at mas lalong hindi ako natatakot sa'yo."

"At talagang nagmamatigas ka, alam mo seryoso ako, madami na akong nabugbog at lahat sila ay hindi na pumasok pa ng Campus dahil sa inabot sa akin. Ngayon gusto mo bang matulad sa kanila?"

Umirap ako at pinakitang kalmado parin ako. "Ano bang gusto mo para matigil na 'to?"tanong ko nang bigla itong natawa. Yung totoo may saltik kaya ito?

"Simple lang. Lumuhod ka at halikan ang sapatos ko."nakangising sagot nito, tumingin ako sa mga tao sa paligid at napansin ko yung lalaki na nakatingin kanina kay Brix. Nakahalukipkip at nanonood. Pinikit ko ang aking mga mata at lumuhod, kahit alam kong labag na ito basta matigil na ang lahat.

Narinig ko ang pagsingap ng mga tao sa paligid noong nakaluhod na ako sa harapan ni Demonyo. "Sana mangako kang hindi mo na ako guguluhin pa kapag hinalikan ko ang sapatos mo."sabi ko habang nakatitig sa kanyang sapatos. "Oo naman madali lang akong kausap."

Unti-unti kong nilapit ang labi ko sa sapatos ni Brix nang maramdaman kong humawak siya sa buhok ko. "Brix tama na 'yan! Hindi maganda sa isang lalaki na gumagawa ng kalokohan."rinig kong sigaw ng lalaki na nakangiti kanina kay Brix. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero laking gulat ko noong nahulog ang mga hibla ng buhok ko sa sahig.

"Omay! Pinutol ni Brix ang buhok ng bagong lipat na lalaki nakakaawa naman."narinig kong bulungan sa paligid dahilan para bigla akong tumayo at napatingin kay Brix na tawa ng tawa. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong hindi pantay ito.

Hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit ngunit kusang gumalaw ang naka kuyom kong kamao at lumanding sa mukha ni Brix dahilan nang pagdugo nito sa kanyang bibig. "Gago ka! Anong ginawa mo sa buhok ko!"

Halos mapanganga ang mga tao sa paligid dahil sa pagsuntok ko kay Brix na nakabulagta na sa sahig.

itutuloy...


•••••

Vote and Comment are Highly appreciated. Keep reading mga ambon.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon