kabanata 13

188 7 5
                                    

TEEN FICTION SERIES:
School Year 2020

@iMarjayNari
©Kaminari amanashi


Kabanata 13: End of Season

Ngumisi si Brix kay Allyson."Siya ang slave ko. At wala kang karapatang agawin siya sa akin. Subukan mo kayang maghanap ng iba."ani'to.

Ngumiti si Allyson. "Mamili ka ng magiging master mo Nick. Ako ba o si Zanbrix na walang ginawa kundi pahirapan ka?"tanong ni Allyson sa akin.

Napatingin ako sa dalawa, nakakalito na talaga. "Hindi ko alam ang nangyayari pero. Ang masasabi ko lang ay..." At pumakawala ako ng isang buntong hininga, "kung pwede lang umalis kayo sa harapan ko dahil naiilang ako."tugon ko dahilan para dumistansya silang dalawa sa akin.

"Wala akong pipiliin sa inyo, ang gusto ko lang ay magkaroon ng kaibigan at hindi maging isang alalay."binaling ko kay Ally ang aking tingin at gumawad ako ng isang ngiti. "Salamat sa'yo, malaki ang naitulong mo sa akin Allyson. Pero, hindi naman kailangang humantong sa ganito, humantong sa pipili ako ng magiging master ko."

Tumango ito, samantalang nakakunot noo lang si Zanbrix.

Tahimik

Tumingin ako kay Brix at nginitian ito. "Kung pwede lang Zanbrix, mag bati na tayong dalawa. Huwag kang magalala dahil may ipon naman ako, ipapaayos ko yung cellphone na nasira ko, sa Sabado na mismo. Siguro naman titigilan mo na'ko."

"Tch. Hindi na kailangan, sa'yo nalang 'yang pera mo, tsaka huwag mo nga akong ngitian ng ganiyan! Nakakabastos tignan."iritadong wika nito sabay lakad papuntang hagdan at pumanhik pataas.

"Nice decision Marquez, dumalo ka sa prom a."nakangiting wika ni Ally sabay kindat sa akin.

"Hindi ako sigurado kung dadalo ako, ang plano ko nga e hindi nalang pupunta at uuwi nalang ako ng bahay. Siguro naman hindi mandatory ang prom na'yan."tugon ko naman.

Tinapik nito ang aking balikat at naglakad paalis. "See you bukas Marquez."narinig ko pang wika nito. Anong problema nilang dalawa?

Allyson Point Of View

Pumanhik ako pataas ng hagdanan nang bumungad sa akin si Brix dito sa pinaka huling platform ng hagdan. Nakaharang ito habang nakahulukipkip. "What are you planning?"bungad nito sa akin na ikinangiti ko.

Ngumisi ako, "It's a secret."

Kumunot ang noo nito. "Hindi mo naman kailangang gawing laro ang lahat Ally. Kilala kita at ito ang gusto kong sabihin sa'yo, huwag mong isali si —"

"Huwag kang magalala, hindi naman ito tungkol sa'yo. Gusto ko lang na mapalapit si Nick sa akin, at labas ka na lahat sa mga plano ko. Masungit ka sa kanya 'diba?"nakangisi kong tanong dahilan para matahimik si Brix.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon