season 2: kabanata 35

122 11 12
                                    

Music Playing: Vanilla Twilight
By: Owl City
Reminder: Please download the music or listen to the soundtrack if you have it, so that you can visualize and feel the atmosphere throughout the story, thank you.

♪ The stars lean down to kiss you
And I lie awake and miss you
Pour me a heavy dose of atmosphere
'Cause I'll doze off safe and soundly
But I'll miss your arms around me
I'd send a postcard to you, dear
'Cause I wish you were here ♪

Mula dito sa inaapakan kong entablado kitang-kita ko ang mga taong nakatingin sa akin habang nakasilay ang matamis nilang ngiti sa labi. Mariin kong naririnig ang nakakabinging palakpakan na umiikot lamang sa apat na sulok dito sa malawak na bulwagan.

Napakadaming bulaklak at Garland na nakadisenyo sa bawat haligi na siyang nag dala sa venue. Ang mga kababaihan ay nakasuot ng kulay puting dress samantalang ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng itim na tuxedo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama, halu-halo at talaga namang pinapahina ako nito at pinapakaba.

Ilang sandali pa'y biglang tumama ang maliwanag na spotlight sa dakong pintuan ng bulwagan, at dito'y natamaan ang isang binata ng maliwanag na ilaw. Nakasuot ito ng puting tuxedo katulad ng akin, ngunit may salamin itong kulay itim na talaga namang nagpaangat ng kanyang kagwapuhan. Hapit na hapit ang kanyang suot na tuxedo at napakakisig niyang tignan.

Dahan-dahan itong nag lakad palapit sa 'kin na siya namang pagsunod sa kanya ng maliwanag na spotlight.

“Happy Birthday, Babe. Flowers for you,”bungad nito sabay abot sa 'kin ng isang kumpol na puting rosas.

Napangiti ako't inabot ito, ibayong kilig ang aking naramdaman noong ngumisi si Zanbrix. “Kainis ka naman, Birthday lang 'to pero parang kasalanan naman ang venue,”sabi ko dahilan para muli itong ngumisi.

“Ayaw mo pa, at least parang ikakasal na tayo,”

“Siyempre gusto. Hindi ko nga ito inaasahan, sobrang saya ko naman ngayong araw, wala akong masabi. Gusto kong tumawa ng malakas para lang ipakita sa inyo kung gaano ako kasaya ngayon."

Ngumiti si Brix at kumindat, “Iyon naman pala e! Tara na dahil isasayaw pa kita, I love you babe happy birthday.”

“Salamat, Brix.”tugon ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti.

♪ I'll watch the night turn light blue
But it's not the same without you
Because it takes two to whisper quietly
The silence isn't so bad
'Til I look at my hands and feel sad
'Cause the spaces between my fingers
Are right where yours fit perfectly ♪

Humawak siya sa aking baywang at ako naman ay sa kanyang balikat, dito ay nagsimula na kaming gumalaw at sinundan ang ritmo ng musika. Dahil doon ay nagsihiyawan ang mga tao kasabay ng malalakas na palakpakan.

“Ba't parang ang lungkot naman ng music? Ang dami mo talagang pakulo!"sabi ko dahilan para matawa si Brix.

“Gago! Ganiyan talaga huwag mo nang pansinin pa. Gusto kong maging memorable itong birthday mo,"aniya sabay tawa habang sumasayaw kami. Tunay nga siyang may toyo, nakakatawa na 'yun? Aba! May kasama pang mura, ah.

“Kahit kailan talaga may saltik ka parin. Pero dahil mahal kita, sige sasakayan ko 'yang trip mo ngayon,"tugon ko naman.

"Sorry babe I love you,"sabi nito at tumigil kami sa pagsayaw, ilang sandali pa ay hinalikan niya ang aking noo. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang mainit na labi ni Brix.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon