School Year 2020
Written by: iMarjayNariKabanata 30: Heart bleeds
Tumunog ang bell sa buong campus, na nangangahulugang natapos na naman ang isang araw ng klase.
"Review na lang kayo ng maigi. Sa mga running for with to with highest honor, hindi pa ito ang huli."wika ni sir Velarde sabay kuha ng kanyang mga gamit sa table.
Sinilid ko naman 'yung notebook ko sa loob ng bag, at saka tumayo upang maghanda para sa pag-uwi.
"Mukhang seryoso ka ngayon, a. May problema ka ba?"tanong ni Chai no'ng makalapit siya.
"Grabe ka naman, porket sumeryoso lang ako ng kunti, may problema na 'ko. Tsaka mauna ka ng umuwi, may pupuntahan pa kasi ako,"tugon ko naman.
"Saan? Tara sama ako. Wala naman akong gagawin sa bahay pagkauwi ko, boring,"ani Chai.
Umiling ako't tinapik siya sa balikat. "Hindi pwede ang isip bata do'n, joke lang. Importante kasi 'to eh,"mungkahi ko naman.
Ngumuso si Chai at tinignan ako ng masama, "Grabe ka naman! Ano ba kasing gagawin mo do'n?"
"Huwag ka nang magtanong, bukas nalang ako mag kwe-kwento. Basta huwag mo na akong antayin, mauna ka nang umuwi."
Tumango siya't naglakad na palabas ng classroom. Sumilip pa siya sa bintana at ngumuso, dahilan para matawa ako.
No'ng matiyak kong tahimik na ang buong classroom ay dito ko pinakawalan ang lungkot sa 'king puso. Kaagad kong kinuha 'yung cellphone ko at nag message kay Brix.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama, sapagkat nag halu-halo na ang mga 'to. Dapat ba akong malungkot? Dahil dito na nagtatapos ang namamagitan sa 'min ni Zanbrix? O 'di kaya'y malulungkot ako dahil isa akong duwag na tao, na 'di ko manlang pinaglaban ang relasyon namin ni Zanbrix?
_______________________________________
Message
To: Brix
Message: kita tayo mamaya doon sa daungan ng barko. Huwag kang mag madali, gusto kong mag relax ka lang hehe
_______________________________________Bumuntong-hininga ako at nilisan ang classroom. Pakiwari ko'y tinatangay ng hangin ang aking isipan, sa kadahilanang walang direksyon ang aking isip.
Bago ako lumabas ng campus ay tumingin muna ako sa covered pool, na kung saan nakita ko si Raven doon sa entrance door, nakatayo na tila ba'y may inaantay. Marahil, si Zanbrix 'yun.
Pero okay lang... okay lang ako at kaya ko 'to. Isang simpleng paglimot lang sa magagandang alaala, na binuo ko kasama ang isang maling tao na nakasama ko.
"Huwag na kayong mag tago pa sa 'kin. Okay lang kahit magsama kayo, siguro nga ay tama ang mama mo. This is not a love, yet it's a confusion."bulong ko habang nakatingin parin sa covered pool. Ilang sandali ay napalingon si Raven sa 'kin kaya't nagbitaw ako ng ngiti, kasabay nito ang paglakad ko palabas ng maingate.
Hindi ko kailangang umiyak... dahil mas masakit pa ang pagpapatuli kaysa pakikipag hiwalay sa isang tao.
●●●
Pasado alas cinco ng hapon no'ng makarating ako dito sa daungan ng barko. Ito ang lugar kung saan masaya kaming pareho, pero ito rin ang lugar kung saan magbibigay sa 'min ng lungkot.
Habang inaantay si Brix na dumating ay tumingin muna ako sa malawak na karagatan. Malamig ang hanging yumayakap sa 'kin na nagbibigay ng kaba't malamlam na damdamin.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Novela JuvenilSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020