Season 2: kabanata 14

165 10 1
                                    

Teen Fiction Series:
School Year 2020

@iMarjayNari
©kaminari amanashi


Kabanata 14: Here I come!

Nick Point Of View

Makalipas ng dalawang araw. Naging maayos naman ang buhay ko sa school, nakakapag recite naman ako kahit papano. Pakiwari ko ba'y hindi na ako yung dating Nick na kulelat, mas nag improved na ako kaysa dati. Pero, hindi parin ako nilulubayan ni Brix, ewan pero habang tumatagal nagiging masaya ako sa tuwing inaasar niya ako.

"This is the preparation day ng ating school para sa gaganaping JS Prom bukas ng gabi. Gosh! Parang kinakabahan ako na ewan."wika ni Chai habang abala sa pag anglungkat sa closet ng kuya niya.

"Sigurado ka ba na hindi magagalit yung kuya mo. Nakup! Patay tayong dalawa kung hindi ka nagpaalam sa kanya."nagaalala kong wika habang nakaupo lang dito sa kama ng kanyang kapatid.

"Hayaan mo si kuya dahil wala naman siya dito sa bahay. Busy siya sa work kaya okay lang na magbukalkal tayo dito. Halika isuot mo 'to."sabay pakita ni Chai ang isang tsaleko na kulay itim. Napakaganda at may maliliit itong dyamante na disenyong bulaklak.

"Baka hindi ko bagay. Tsaka parang ang mahal tignan baka magalit sa akin yung kuya mo."nagaalanganin kong wika.

Umirap lang si Chai sa ere at lumapit sa'kin. "Hindi magagalit si Kuya dahil lahat ng karga nitong closet niya ay hindi na niya ginagamit. Tsaka kilala ka naman niya, kaya no worries."ani'to sabay abot sa'kin ng tsaleko. Napatingin ako dito at pumakawala ako ng isang buntong hininga.

"Okay. Salamat talaga Chai."

"Walang anuman. So tapos na tayo sa damit mo, siguro naman pwede na tayong mag miryenda hay! Kanina pa ako gutom."wika nito at kapwa kami lumabas ng kwarto ng Kuya niya.

Pagdating namin dito sa kanilang salas ay hindi parin nawawala ang aking tingin sa magarbo nilang chandelier. Babasagin ito at tila dyamanteng kumikisap sa tuwing natatamaan ng ilaw. Iba talaga ang bahay ng mayaman, nakakainggit.

"Huwag mong titigan baka matunaw, sige ka mahal 'yan dahil galing pang Europa ang chandelier na'yan."nakangising wika ni Chai sabay kagat ng rice cracker. Natawa naman ako at binaling nalang ang aking atensyon sa kanya.

Nag kwentuhan kami ni Chai, wala kasing pasok ngayon dahil abala ang mga SSG Officers sa paghahanda ng aming paaralan. Tila kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, marahil epekto lang ito ng magaganap na prom. Baka excited lang ako na ewan.

Alas diyes ng umaga noong ihatid ako ni Chai dito sa aming dormitory. Ngumiti pa ako bago pumasok ng tarangkahan, samantalang si Chai inantay pa akong makapasok ng dorm bago muling sumakay sa kanilang kotse.

Pagdating ko dito sa loob ay sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. Wala akong makitang tao dito sa paligid kaya naman naisipan kong umakyat at magkulong nalang sa kwarto, tutal wala namang pasok.

Pinatong ko ang paper bag sa study table ko, naglalaman yun ng gagamitin kong damit para sa JS Prom. Sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang magaganap na event bukas ng gabi ay kinakabahan ako na para bang natatae na ewan.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon