season 2: kabanata 29

91 10 13
                                    

School Year 2020
Written By: iMarjayNari

Kabanata 29: The day to remember

Kapwa kami naglalakad ni Chai dito sa hallway at kapansin-pansin ang mga tinginan ng mga estudyante sa 'min. Marahil pinagkakamalan kaming magkasintahan dahil sa nakaakbay ako sa kanya, samantalang si Chai naman ay nakalingkis ang kanang kamay sa 'king baywang. Natawa na lamang ako dahilan para tumingin sa 'kin si Chai.

"Ilang araw na akong hindi nakakapag bukas ng Facebook ko, 'di ko alam kung anong trending ngayon sa social media. Lalong-lalo na sa twitter, makapag-online nga mamaya,"wika ni Chai habang naglalakad kami.

"Hindi ako masiyadong nag bubukas ng social media, pero balita ko may trending daw na bago. Siya nga pala ang bilis matapos ang araw 'no? Examination na naman sa susunod na buwan,"

"Kaya mo 'yan. Nakitaan ka naman ng effort ng mga teachers natin, alam kong makakapasok ka na ngayon sa academic list, kapit lang."tugon naman ni Chai atsaka ngumiti.

"I'm looking forward, pero legit 'yung kaba, iniisip ko pa lang 'yung result e kinakabahan na ako."

Gumalaw ang kamay ni Chai na nakalingkis sa baywang ko at naramdaman kong pinagpag niya ang aking likuran. Muli siyang ngumiti ng matamis kasabay nito ang pagliko namin pakaliwa.

"Basta keep fighting lang, hindi ka naman matatalo sa laban kung alam mong malakas ka at totoong nag pu-pursige ka. Wait lang, aside from academics ano pa 'yung pinagkakaabalahan mo? Ba't palagi kayong na i-spot na magkasama ni Zanbrix?"tanong nito dahilan para makaramdam ako ng kaba, 'yung pakiramdam na tinawag ka sa recitation pero wala kang isasagot.

Lumunok ako ng walang laway at ngumisi. "Minsan kasi nag papasama siya, wala naman sigurong mali doon 'di ba?"palusot ko.

"Tama ka naman, pero wala namang masama kung maging close na kayo. Hindi naman siguro maganda kung magtatapos ang School Year 2020 nang may galit kayo sa isa't-isa 'di ba?"

Tumango ako't ngumiti. "Medyo close na nga kami, e."tugon ko naman.

Ngumiti siya na may halong pagkapilyo ngunit iniwasan ko lang ito ng mata. "May nakapagsabi sa 'kin na ang sweet niyo daw sa covered pool noong nakaraan pang linggo. Hindi ako naniwala noon, pero ngayong binigyang linaw mo na ang lahat ay naniniwala na ako."aniya sabay ngisi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chai, ngunit hindi ko na lamang ito kinibo at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Pagdating namin dito sa tapat ng classroom ay bumungad ang adviser namin kasama ang isang magandang babae. Maputi siya at puno ng mamahaling singsing ang kanyang mga daliri. Matangos din ang kanyang ilong at nakapakagandang pagmasdan ang labi nitong mala-hugis puso.

"Miss Chairiah pumasok ka na muna sa loob. Ikaw Mr. Tenorio kailangan ka munang makausap ni Mrs. Casanova sa Principals office,"nakangiting saad ng aming adviser, kaya napatingin ako sa magandang babae na nakangiti rin sa 'kin.

Lumakas ang kalabog ng aking dibdib na para bang sasabog na dahil sa lakas nito. Sumasabay sa kaba ang aking malamig kong pawis na namumuo sa aking noo at talampakan. Pakiwari ko'y nalunok ko na ang aking dila at hindi ko na mabati pa ang mama ni Zanbrix.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon