season 2: kabanata 31

100 12 37
                                    

School Year 2020
©iMarjayNari

Kabanata 31: Broken Glass

Kinaumagahan ay napagpasiyahan ko paring pumasok, kahit na alam kong wala na akong ihaharap pa dahil sa naturang video. Ngunit, sabi naman ng aming principal ay gumagawa na sila ng aksyong alisin ang video sa bawat cellphone ng mga mag-aaral. Ipinaalam na sa lahat ng guro ang tungkol sa hakbang na 'yon.

Nagsimula ang isang normal na araw, kung dati ay espesyal ang bawat araw na lumilipas, ngunit ngayon, ay unti-unti na itong nilamon ng ordinaryong buhay bilang isang estudyante.

Sinubukan kong umakto ng normal, 'yung pinapansin ang lahat maging kay Zanbrix na kaibigan at kaklase na lang ang aking paningin sa kanya. Inaamin kong nasasaktan ako, ngunit anong magagawa ko kung iyon nga ang nakatadhana para sa 'min.

"Mabuti at kinaya mo 'yung pinagdadaanan mo ngayon, saludo ako sa 'yo, tol."ani Florence habang nakatambay kami dito sa corridor.

Ngumisi ako sabay tingin sa kanya, "Kung magiging mahina ako, ay para narin akong natalo sa isang laban. Tsaka iniisip ko ang mga taong nagmamahal sa 'kin kaya patuloy parin, haha,"

"Tama 'yan tol, siya nga pala huwag ka sanang magalit sa 'kin, a."ani Florence na ikinakunot ng aking noo. "Napanood ko 'yung video niyo ni Zanbrix, pero inalis ko rin pagkatapos kong mapanood. Kayo parin ba?"

Umiling ako't binaling ang tingin sa kabilang building. "Hindi kami nag tagal, huwag na nating pag-usapan 'yan."tugon ko naman at nahagip ng aking mata na tumango-tango ito.

"Basta tol parang kapatid mo narin kami dito sa strand natin. Kung pakiramdam mo ay nag-iisa ka, nandito lang ako."sabi ni Florence kaya tumango ako at ngumiti.

"Salamat, sige pasok muna ako may kailangan pa akong tapusin."wika ko at naglakad ako papasok ng classroom. Pagkapasok ko ay nakita ko si Zanbrix na nakatingin sa labas ng bintana. Nakasandal siya sa kanyang upuan at nakapatong ang paa sa upuan ko.

Naglakad ako palapit at hinawakan 'yung upuan ko upang kunin ito. "Kukunin ko na 'to,"sabi ko ngunit hindi manlang siya tumingin, bagkus inalis niya sa pagkakapatong ng paa sa 'king upuan at narinig ko pa 'tong suminghal.

Sa halip na masaktan ako ay kinuha ko na lamang ang aking upuan atsaka umupo at tumalikod. Ngunit, parang hindi ako mapakali dahil pakiwari ko'y tila nakatingin ito na wari'y tinutusok ang aking likod. Pero, sa halip na lumingon ako ay kinuha ko lamang 'yung cellphone ko't ginamit bilang salamin upang malaman kung nakatingin nga ba siya.

At dito nga ay hindi ako nagkamali, nakita kong nakatingin siya at tila nangungusap ang mga mata. Kaagad akong lumingon ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin at muli itong tumingin sa labas ng bintana.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon