Season 2: kabanata 17

134 11 4
                                    

Teen Fiction Series:
School Year 2020

©iMarjayNari( kaminari amanashi)


Kabanata 17: It hurts

Allyson Point Of View

"Alam mo naman siguro ang responsibilidad mo bilang isang vice president ng dormitory. Bakit parang ikaw pa ang lumalabag sa rules?"tanong ni Brix na bumubuntot sa akin papunta ng aking silid.

"Tangina tol humarap ka nga!"sigaw nito kaya humarap ako.

"Huwag mo nga akong pangaralan tol. Alam ko ang ginagawa ko bilang vice ng dorm, bakit ka ba galit na galit e hindi ka naman pinagalitan ng landlady natin. At isa pa tol nag message ako sa landlady natin kaya wala ka dapat ipagalala."tugon ko naman at tumuloy na ako sa loob.

Naramdaman kong pumasok pa ito. Ano bang problema nito nakaka gago na.

"Huwag ka ngang ganiyan tol! Umamin ka nga, bakla ka ba?"tanong nito sa'kin.

"Tol nanggagago ka ba?"tanong ko dahil hindi na ako natutuwa sa inaasta ni Zanbrix sa harapan ko.

Ngumisi ito. "Tol huwag mo nang ikaila pa. Huling huli ko kayo sa C.R na nag chuchupaan kayo ni Nick, mga bulok kayo tangina niyo!"mapanuya nitong tono dahilan para suminghal ako.

Hinablot ko ang kanyang kuhelyo at tinignan ito sa mata. "Baka ikaw ang bakla gago ka, makitid kasi ang utak mo at kinakalawang na kaya ka nagiisip ng ganiyan. Huwag mo akong sabihan ng bakla tol dahil wala kang alam sa nangyayari."bulong ko sa pagitan ng aking hininga dahil parang gustong kumawala ang galit ko sa aking loob.

Ngumisi ako at tinawanan siya na may halong pang aasar. "Kung nagaalala ka kay Nick pasensyahan nalang tayo tol. Anong masama kung magkasama kami? Wala naman 'diba?"tanong ko sabay tulak si Brix.

Natahimik sa siya at tila natulala sa narinig. Maya maya ay hinagis nito sa akin ang hawak niyang sketchbook kung kaya't bumuyangyang sa aking harapan ang mga sulat na nakalagay dito.

Napangisi ako sa nakita.

●●●


Nick Point Of View

Flash back

"Bumaba ka muna marquez"utos ni Allyson noong nandito kami sa harap ng tarangkahan. Nakapagtataka nga lang dahil nandoon lang si Brix nakaupo sa veranda at binubuklat ang hawak nitong sketchbook kanina.

Kinapa ni Ally yung susi ng tarangkahan sa kanyang bulsa at marahan nitong binuksan. "Pasok na Marquez, isuot mo sa linggo 'yang binili nating damit. Magandang gabi sa'yo"nakangiti nitong wika at umakbay ito sa'kin.

"Anong maganda sa gabi. Mga tanga at bobo ba kayo para hindi niyo matandaan ang curfew?"tanong nito na may nanlilisik na mata. Wala sa mood ang kanyang mukha at ibang-iba ang awra ni Brix.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon