Kabanata 4

209 18 8
                                    

TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020

iMarjayNari
(kaminari_amanashi)

Kabanata 4: Obeying the Master

"Gustung-gusto talaga kita. Hindi ko alam kung anong tinatago mo pero nababasa ko sa mga mata mo na may kinukubli ka. Bakla!"bulong nito at sa hindi ko inaasahan ay mabilis akong sinandal sa pinto at hinawakan ang aking magkabilang kamay. "Anong ginagawa mo bastos ka!"sigaw ko nang matawa ito at bumitaw.

"So totoo nga. Bakla ka."nakangising wika nito.

Akma kong sapakin si Brix nang mahuli niya ang kamay ko. Pinanliitan ko ito ng mata. "Tama na ang isa. Kapag umabot na sa dalawa ay baka masapak na kita."bulong nito sabay bitaw ng aking kamay.

Binuksan niya ang magiging kwarto ko at muling tumingin sa akin. "Ito na yung kwarto mo"sabi ni Brix kaya agad kong hinila yung maleta ko at agad na pumasok sa loob.

"Hep! Hep! Nasaan yung magic word ng isang kutong lupa?"narinig kong wika nito mula sa pintuan.

Humarap ako sa kanya at nginiti-an, "Salamat sa'yo pangitugali!"in sarcastic way. Tumalikod ako sa kanya at umirap.

Isang malakas na kalabog ng pinto ang umugong sa buong kwarto. "Namimilosopo ka ba? Ganiyan ba sagutin ang amo? Aba kung alam ko lang na pangit ang ugali mo sana kanina pa kita nilumpo."

Umirap ako at hindi ito kinibo, nek nek niya magiging sakit lang siya sa ulo kapag papatulan ko pa ang isang 'to. "Hoy humarap ka!"sigaw nito kaya naman hindi ako nakatiis at mabilis akong humarap sa kanya. "May pangalan din ako Hoy! Nakakainis ka na. Hindi ka ba marunong mag patawad? Pagod ako okay, hindi ka pa ba kontento sa pag putol mo ng buhok ko!?"bulalas ko nang hawakan niya ng mahigpit ang aking panga.

"Hindi! At lalong wala akong balak na patawarin ka!"

Napangiwi ako."Plastik!"

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak. "Pangit!"

Bumitaw ito at nagpagpag ng kamay. "Pinapaalala ko sa'yo. Ako ang pinaka Head ng Dorm kaya susundin mo ang mga ipapagawa ko sa'yo at kapag hindi ka sumunod."wika nito sabay ngising demonyo. Kahit na hindi niya tinuloy ang sasabihin ay alam ko na ang ibig niyang iparating dahil sa makahulugan nitong ngisi.

"Wa-wala akong pakialam. Hi-Hindi kita amo para sundin ang nais mo. Wala kang karapatan para gawin mo akong isang alipin."buong tapang kong tugon dahilan para matawa ito. "Alis na ako!"pag papaalam nito

"Umalis ka lang malas ka lang sa kuwarto ko."singhal ko at nag lakad na si Brix palabas. Pinagmasdan ko ito habang paalis.

Pagdating niya sa tapat ng pintuan ay huminto ito sabay harap sa akin. "See you later slave."gumawad ito ng nakakalokong ngiti at nakasaludo nitong wika nang mapansin kong nakasabit sa kanyang daliri ang Susi ng kuwarto ko.

Lumabas ito sa aking silid at binalibag ang pinto.

Kkblaaaag!

"Bwisit ka talaga Zanbrix humanda ka sa akin! Gago demonyo ka!"

••••••

Allyson Point Of View

"Whoa! Hindi ko inaasahang marunong ka ng Physics. Salamat Ally"sabi ni Pam sabay kuha ng gamit niya habang nakaupo kami dito sa Sopa.

Ngumiti ako at kumindat. "Basta kapag kailangan mo ng tulong sa mga Home works mo, lapitan mo lang ako"tugon ko at napayuko ito ng ulo.

"Hi-Hindi ka lang matalino, prince charming pa."aniya sabay tayo at mabilis na nagtatakbo pataas ng hagdan nang makasalubong nito si Brix at hindi inaasahang mabangga ni Pam. "Ano ba! Tsk."

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon