Teen Fiction Series:
School Year 2020
©iMarjayNari
K. Amanashi (kaminari amanashi)Kabanata 24: Please tell me how you feel?
Ang bawat bagay sa mundo ay nagbabago. Ang masama ay nagiging mabuti, ang gahaman ay nagiging mapagbigay. At ang hindi nagmamahal ay binubuksan ang puso upang magmahal...
Kapwa kami paapaang naglalakad dito sa gilid ng dagat, at sa bawat hakbang na aming ginagawa ay may iniiwan kaming bakas ng aming paa. Umaalon ang dagat at sa bawat hampas nito sa dalampasigan ay naglilikha ng banayad na tunog.
"Lumapit ka lang 'di naman nila mahahalatang magkasintahan na tayo," wika ni Zanbrix sabay hila sa aking kamay.
"Huh? Paanong hindi nila tayo mahahalata e, dinaig mo pa 'yung mag-asawa kung akbayan mo ako. Mas mabuti na 'yung dalawang metrong distansya natin. Mas safe para iwas sa mga manghuhusga diyan sa paligid," tugon ko naman.
Nagkamot ng ulo si Brix at ngumiwi, "E' bakit ka ba kasi natatakot sa kanila. Wala na silang pakialam sa'ting dalawa. Akin ka na ngayon at wala silang magagawa, gusto mo din naman ako 'diba? Edi panindigan na natin 'yung nararamdaman natin sa isa't-isa," singhal niya.
"Wow! Rhyme a, pero, napagusapan na natin ito 'diba? Sumakay ka nalang."puna ko naman sabay ngiti.
"Paano nga kita ipapakilala sa mga magulang ko kung natatakot kang ipakita sa lahat na dalawa na tayo? Nakakainis ka naman, parang pinaparamdam mo na hindi mo 'ko gusto,"pagmamaktol ni Brix sabay bitaw sa akin at ngumuso na parang bata.
Natawa naman ako at lumapit sa kanya, "Huwag ka ng magtampo, hindi naman kita iiwan e, maliban nalang kung may balak kang iwan ako, at pinaglalaruan mo lang 'tong damdamin ko sa'yo."
Kumunot ang noo nito at nagmaktol pa, "Kaya ko namang sabihin na ikaw lang, pero 'wag mo naman akong tratuhin na parang wala lang."
Marahan akong natawa at hinawakan ng mahipit ang kanyang kanang kamay. Patuloy kami sa paglalakad at tumingala ako sa kulay kahel na ulap at pinapalibutan nito ang asul na langit, minsan iniisip ko, ano kaya kung naging parte ako ng ulap?
Nagbago ang lahat magmula noong nagtapat si Zanbrix sa akin. Ang akala ko ay hindi totoo ang kanyang pag-amin dahil lasing siya noong araw na 'yun. Napagdesisyunan naming sundin ang aming nararamdaman sa isa't-isa, at kapag gumana ang aming samahan ay ibig sabihin lamang no'n ay mahal namin ang bawat isa.
Siyempre, dahil natatakot akong mahusgaan ay napagusapan din naming huwag magpahalata sa publiko. Aakto kaming parang wala lang upang hindi kami husgaan ng mga tao, lalo na't hindi pangkaraniwan ang aming pagmamahalan.
"May ibibigay akong regalo para sa'yo. Pero mamaya pa 'yun, enjoy muna natin itong unang date natin."aniya sabay kindat.
"Baka gumastos ka pa riyan."
"Hindi naman ako gumastos. Simple lang ngunit memorable. Pero tiisin mo 'yung sakit a,"tugon naman niya dahilan para mapanganga ako.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Genç KurguSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020