Season 2: kabanata 18

150 10 3
                                    

TEEN FICTION SERIES:
School Year 2020

©iMarjayNari
(Kaminari amanashi)


Kabanata 18: Visitor

Nakaupo ako ngayon sa study table ko dahil abala ako sa pag re-review. Pilit kong ginagawang busy ang aking sarili upang mawala sa aking sistema ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay namamaga parin ang aking mga mata. Hindi na ako nagpaalam kanina sa mga ka dorm mates ko maliban sa aming landlady, sinabi ko lang naman na kukuha ako ng gamit sa bahay at babalik din ako mamayang alas cinco ng hapon. Masiyado akong nag padalus-dalos sa desisyon kong umalis, hindi ko alam tuloy kung ano ang sasabihin ko kay Jimpo pagbalik ko ng dormitory.

Muli akong tumayo upang itutok sa'kin yung electricfan at nagtungo ako pansamantala sa bintana ng aking silid upang tignan kung may tiyansang uulan mamaya. Makulimlim ang buong kaulapan at tahimik ang bawat bahay sa paligid. May ilan ding nakasilip sa kanilang bintana at ang iba ay nasa labas ng kanilang bakuran.

Muli akong bumalik ng study table ko at kinuha ang aking notebook sa lamesa. "Andres Bonifacio ang sampung Utos ng mga anak ng ba—"natigil ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng aking silid kaya naman napakamot ako ng ulo dahil sa inis. Nakakaabala kasi, ang hirap mag review tapos i-istorbohin ka pa.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si Precious—ang pang-apat sa aming magkakapatid. May hawak itong pabilog at makulay na lollipop habang dinidilaan ito na wari'y isang bata na nagpapainggit.

"Oh bakit nandito ka? Huwag mo muna akong storbohin dahil hindi ka crush ng crush mo. Busy ako sa pag rereview para sa paparating na examination."

"Baliw, hindi naman kita tatanungin patungkol doon, si mama pinapatawag ka kasi sa baba dahil may bisita tayo. Pangit na 'to!"sagot nito dahilan para ambaan ko siya ng sampal. Ganito talaga kaming magkakapatid parang magkaka-edad lang kung magsagutan.

"Nye nye! Sige kain pa ng matamis mabulok sana 'yang ngipin mo. Sino ba 'yang bisita natin dumating ba sina Tita?"tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat ito at kinagat ang hawak niyang lollipop. "Hindi ko kilala basta matangkad at may hitsura, barkada mo siguro dahil hinahanap ka niya. Saka nandoon siya sa baba tinutulungan niya si Lola na mag luto ng kakanin." Batid kong si Allyson ang tinutukoy ni Precious, siguro napansin niyang wala ako sa aking silid. Pero, paano niya nalamang nandito ako sa bahay? Nabanggit kaya ito ni Jimpo sa kanya?

"Sige sunod nalang ako sa baba. Pakisabi kay Lola na asikasuhin yung bisita ng mabuti, dahil siya ang pinaka mabait na kaibigan ko sa dormitory."nakangiti kong wika sabay kapa ng cellphone sa aking bulsa.

"Siya nga pala, nasaan yung charger? Low battery na'tong cellphone ko, naiwan ko kasi yung charger sa dorm."tanong ko sa kapatid ko.

Nagkibit balikat lang ito sabay alis ng harapan ko. "Subukan mong tawagan baka sakaling sumagot."tugon niya noong pumapanhik ito pababa ng hagdan.

Nagtungo muna ako sa banyo ng aking silid upang maghilamos at mag toothbrush. Maaga kasi akong umuwi ng bahay at hindi na ako nag ayos pa doon sa dormitory. Pagkatapos kong mag hilamos at mag toothbrush ay pinalitan ko ang suot kong damit para naman maging maayos ako sa harapan ni Allyson. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking yun, pakiwari ko sobrang safe ko sa tuwing kasama siya. Pero, sinisiksik ko sa aking isipan na bawal mahulog sa kanya dahil fake relationship lang ang aming ginagawa.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon