TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020iMarjayNari
@iMarjayNariKabanata 1:BAD DAY
Nick Point Of View
Bigla akong yumakap kay Chai noong makita ko ang pangalan naming dalawa dito sa harap ng bulletin board. Ang akala ko kasi ay maghihiwalay kami ng Section dahil hahatiin ang HUMSS dahil sa dami ng estudyante dito sa Strand na'to. "Gosh! Hindi ako makapaniwala, ang akala ko talaga ay maghihiwalay na tayo."natutuwang sambit ni Chai at niyapos ang aking likod.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi. "Kasi nga BFF tayo. Kung nasaan ang isa ay dapat nandoon din yung isa."tugon ko naman.
"So this is our new School, new environment and new students"
"Tara libutin natin ang buong campus! Sigurado akong mababait lahat ng estudyante dito. At sa wakas, nakatakas din ako sa mga bully doon sa dati nating school. Magbabago na talaga ako dahil ang dating Nick na binu-bully ay mawawala na."
Lumabas kami ng Hall ng aming Building at nagtungo sa Cafeteria ng School. Malawak at madaming nagtatayugang Department Building. Nakakatuwa lang dahil lahat ng nakakasalubong namin ay magiliw silang bumabati. Grade 12 na ako at malapit na akong magtapos ng Senior High. Lumipat kami ni Chai ng Paaralan dahil madaming bully sa dati naming pinapasukan. Palagi nila akong pinag t-tripan dahil sa kasarian ko.
Namasyal pa kami ni Chai pagkatapos naming bumili ng makakain. "Tignan mo ako Chai!"pagtawag ko at umikot-ikot ako sa harapan niya nang bigla akong maumpog sa isang estudyante. Halos malaglag ang panga ko noong makita ko ang cellphone na basag sa sahig, inangat ko ang aking ulo at tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki na bakas sa mukha ang matinding galit.
"Ang sakit non a, Sadyang tanga kalang ba at iikot ka dito sa Hallway? Anong akala mo nasa Dance Floor ka."nagpipigil nitong wika, agad ko namang pinulot ang phone niya sa sahig na basag at parang hindi na gagana pa. Nagsimulang pagpawisan ako ng malapot at inabot sa kanya ang cellphone.
"Sorry hindi ko sinasadya"paghingi ko ng tawad at niyuko ang aking ulo. Naramdaman ko nalang na may kamay na pumatong sa aking ulo at hinigpitan nito ang paghawak sa buhok ko. "Aray! Sorry talaga hindi ko sinasadya na mabunggo kita."
"Hey! Humihingi na nga ng sorry yung kaibigan ko! Bakit kailangan mo pa siyang sabunutan! You disobeyed the rules"narinig kong sigaw ni Chai at biglang lumuwag ang pagkakasabunot sa aking buhok. Tumayo ako ng matuwid at tinignan ito ng seryoso ngunit talagang matalim ang mga mata ng lalaking ito kaya napaiwas ako ng tingin. "Willing akong ipaayos 'yang cellphone mo. Sorry talaga at hindi ko sinasadya ang nangyari."paumanhin ko nang ngumisi ito.
"Sa tingin mo. Anong magagawa ng Sorry mo? Tapos na at nangyari na."singhal nito at tumingin siya kay Chai na nanginginig sa takot. "Hoy ikaw babae! Wala kang karapatan na sigawan ako. Ang sigawan ako ay mananagot kuha mo! Papalagpasin ko 'to pero sa oras na makita ko kayong naglalakad o makakasalubong ko. Kahit babae o lalaki ka pa babasagin ko ang ULO niyo!"sigaw nito dahilan para umakyat ang galit sa buong pagkatao ko.
Tumingin ako sa kanya ng tuwid at tinulak ngunit sadyang malakas siya at hindi natumba. "Wala ka naman sigurong karapatan para sabihin mo 'yan. Kaya kitang isumbong sa pinaka head ng School at i-kick out ka sa School na 'to. Alam mo ba yung salitang sorry? Limang letra lang at hindi mo pa maunawaan. Sige! Magkano ba ang kailangan mo at ibibigay ko."
Ngumisi ito sa akin na nagpaakyat ng kilabot sa buong katawan ko pero pinakita ko sa kanya na hindi ako takot. Bakit sino ba siya at katakutan ko gungong siya! , pero kakaiba siya at parang walang sinasanto, "Matapang ka talaga. Tignan natin kung makakasagot ka pa gago!"sigaw nito at tumalsik pa ang laway niya sa mukha ko. Hinawakan niya ang kwelyo ko at dahan-dahan akong inangat.
Mabilis na lumapit si Chai at hinawakan si BoyPangitugali sa braso. "Enough! Isusumbong na talaga kita sa Head. Hindi ka ba natatakot sa ginawa mo? Gusto mo bang i-video pa kita. Ang gwapo mo sana pe--"bumitaw ang lalaki dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Napaawang ang aking bibig dahil tumama ang puwit ko sa matigas na semento.
Nahagip ng aking mata na lumapit yung lalaki kay Chai at hinawakan ito sa panga. Mahigpit kaya naman mabilis akong tumayo at sinapak yung lalaki dahilan para bitawan niya ito si Chai. "Gago ka wala kang karapatan para manakit ng babae!"sigaw ko at muling susuntukin sa mukha nang mahawakan niya ang kamay ko at hinigpitan ang pagkakahawak. "Aray! Gago ka!"
Ngumiti ito sabay hagis ng kamay ko. "I don't fucking care kung magsusumbong kayo sa Head. Go! Tignan natin kung sino ang mapapahiya. Makinig kayong dalawa. Binabalaan ko kayo hindi niyo alam kung ano ang kaya kong gawin, lalo ka na babae ka! Shut your mouth."matigas nitong bulong at nagngingitngit sa galit, halata sa mukha nito ang pagiging bad boy. Gwapo ngunit pangit ang ugali, hindi ko inaasahang mas masahol pala ang mga tao dito sa Saint Luis. Pero, nangako ako sa sarili ko na hindi na muling magpapatalo. I'm the new Nick!Tumalikod ito sa amin at naglakad paalis, kinuyom ko ang aking mga kamay at hindi ko na napigilan ang galit sa aking puso na wari'y sasabog na parang bulkan. "You bastard! Huwag ka din papahuli sa akin. Hindi mo din ako kilala, you know what I mean, kaya kitang tapatan! And note my word"
"Nick tama na. Hindi natin sasayangin ang laway natin sa isang bastos at hambog na tao!"
Humarap ito at ngumisi, "You know what? I like you so much, ang sarap mong tirisin."nakangiti nitong wika sabay hagis sa aking harapan ang basag niyang cellphone. "Palitan mo 'yan kung ayaw mong ma expell"dagdag pa niya sabay lagutok ng kanyang kamay.
Gumuhit sa kanyang bibig ang nakakalokong ngiti at umalis sa aming harapan. Halos maubos lahat ng hangin sa aking baga noong ilabas ko lahat ito. Parang nangangatog ang aking mga tuhod. First day of school palang ay pangit na ang araw ko.Kailangan kong lumaban, hindi na ako papaapi sa lalaking 'yon. Bwisit siya!
Itutuloy...
•••••Don't forget to Vote and Comment! Happy reading mga ambon!
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Teen FictionSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020