Teen Fiction Series:
School Year 2020@iMarjayNari
(Kaminari amanashi)Kabanata 11: Starry Night, Starry Mind
Mula dito sa loob ng aking silid ay nakarinig ako ng malakas na pasuwit galing sa labas ng aking kwarto. Ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ipinagpatuloy ko parin ang aking pagtulog, bagamat gising na ang aking diwa pero pilit ko paring pinipikit ang aking talukap dahil nanunuot parin sa aking kalamnan ang pagod, at tila nanghihina pa ang aking katawan upang bumangon.
Ngunit, sadyang makulit ang taong gumagawa ng ingay dahil inuulit-ulit pa niya ito at mas lalo nitong nilalakasan. Kaya naman pikit mata akong bumangon at tinungo ang pintuan at binuksan ito.
Unti-unting kong binuksan ang aking talukap nang biglang tumambad sa aking harapan si Brix na walang damit pang-itaas. Napako ang aking tingin sa kanyang balikat na malapad na parang isang muscle builder at mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso noong dumapo ang aking tingin sa kanyang batak na abs.
Pumito ito ng malakas at umalingangaw sa buong corridor dahilan para mapaigtad ako sa gulat at tinignan siya ng matalim. "Ano nanaman ang naisip mong pakulo pagkatapos mong guntingin lahat ng underwear ko. Ginagago mo ba ako?"malumanay kong tanong.
Ngumisi lang ito at tila natutuwa pa dahilan para lumiyab ang galit ko at mabilis na dinakma ang kanyang leeg. "Hinayupak ka! Sinira mo na ang lahat ng gamit ko! Bakit pati brief ko hindi mo pinalagpas!"sigaw ko dito at malakas na sinandal sa pader.
"Aray ano bang ginagawa mo!"nanghihingalo nitong wika ngunit tila nawala na ako sa aking sarili at mas binaon ko pa ang aking kuko sa leeg nito. Isang hiyaw ang umalingawngaw sa buong corridor.
"Mamatay kaaaa!"
"Aba! Bastos bakit titig na titig ka sa shorts ko. Mahiya ka nga sa kinikilos mo! O tuluyan ka ng naging bading dahil sa kakisigan ko"wika ni Zanbrix dahilan para bumalik ang aking ulirat.
Imigination ko pala yun ang akala ko totoo na.
Hinarang nito ang kanyang kaliwang kamay sa pintuan kung kaya't bumungad sa akin ang makapal nitong buhok sa kilikili. Ngumisi pa si Brix at muling sinubo ang kanyang pito.
Humalukipkip ako at inirapan ito. "Naiinis ako sa mga taong mapagkunwari. Yung tipong may nagawa na ngang kasalanan sa isang tao, tapos magpapakita pa habang dala ang plastik na ngiti. Kapal mo din e 'no, kasing kapal ng buhok mo sa kilikili."singhal ko dahilan para matawa ito.
Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya umatras ako. "At least mabango."nakangisi nitong wika.
Natawa ako na may halong panunuya."So what? Akala mo ba mabango ka na? Amoy na amoy kita. Ang baho mo inner and outside yuck!"kunwaring naiirita kong boses bagamat amoy Rexona Quantum Dry talaga ang amoy niya.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Teen FictionSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020