Dedicated to: A-Josh020TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020Written by: iMarjayNari
(kaminari_amanashi)FB account: kaminari_amanashi WP
Kabanata 6: The agreement: day one
Ito ang unang araw ko sa usapan namin ni Zanbrix kahapon, abala ako sa pagpunas ng sahig dito sa kusina habang ang mga kasama ko ay kumakain na ng hapunan. Kumakalam na din ang aking tiyan ngunit kailangan kong tapusin ang pagpupunas upang makakain na din ako. Ramdam ko ang pangangawit ng aking batok at balikat kaya naman napagpasiyahan kong tumigil at magpunas ng pawis sa aking noo na umaagos pababa sa aking mukha.
Maingay ang buong kusina at ang iba ay puro bulungan patungkol kay Zanbrix ang aking naririnig, hindi ko inaasahang may naiinis pala sa demonyong 'yon.
"Ito siguro yung parusang binigay ni Zanbrix sa kanya, kawawa naman noh?"
"Nakaka-turn off yung lalaking 'yon! Akala naman niya madaling mag punas ng sahig, kakainis ginagamit niya yung pagiging pinuno niya dito sa dorm para utusan tayo"
"Tawagin niyo na kaya siya baka gutom na."
Bahagya akong lumingon at nakita kong nakatingin sila sa akin ngunit agad din silang umayos ng pagkakaupo at kumain noong mapansin nakatingin na ako sa kanila. Nahagip ng aking mata si Jimpo na kumakaway kaya napatingin ako sa kanya. "Oi! Nick halika may bakanteng upuan dito sa tabi namin. Wala pa si Allyson at Zanbrix kaya halika muna at kumain."pag-aya nito at inayos yung isang silya malapit sa upuan niya. Luminga-linga muna ako sa paligid at tsaka ako tumayo.
"Hindi ka kakain slave hanggat hindi kita pinahihintulutan. Kayo kumain na kayo at huwag niyo siyang ititirahan ng ulam."narinig naming boses mula sa pintuan dito sa kusina kaya napatingin kami doon.
"Pero gutom na siya brix, kanina pa siya nag pupunas ng sahig. Tol pinapaalala ko sa'yo na hindi robot si Nick."depensa naman ni Jimpo dahilan para balibagin ni Brix ang pader ng pintuan. "Kapag sinabi kong kainin niyo, kainin niyo!"sigaw nito dahilan para natahimik ang lahat at tanging tunog ng kubyertos at plato lang ang maririnig.
"Ikaw bumalik ka sa pag pupunas mo ng sahig."narinig ko pang wika nito ngunit hindi ko nalang ito kinibo at muli akong nag punas ng sahiig. Pagkatapos kumain ang aking mga kasama ay muli akong inutusan ni Brix na maghugas ng pinggan tututol sana ako ngunit naalala kong sumangayon pala ako sa usapan namin.
Patuloy ako sa paghuhugas ng pinagkainan ng mga kasama ko at wala ng tao dito sa kusina, ramdam ko ang pananakit ng aking buong katawan at matinding panghihina dulot ng pagod at gutom. Wala akong magawa kundi kimkimin ang aking galit at pigilan ang pagsabog ng aking emosyon dahil sigurado ako iiyak ako at magiging kaawa-awa sa mukha ng mga kasama namin lalo na kay Brix.
Nakaupo si Brix sa ibabaw ng hapagkainan samantalang ako naman ay naghuhugas. "Tapos na kung may ipapagawa ka pa please bukas na lang pagod na kasi ako."nanghihingalo kong wika, ngumisi ito at tumango.
"Tara hatid na kita sa kulungan mo este sa kwarto mo baka isipin mong hindi ako gentleman"aniya sabay tayo at hinawakan ang aking kanang kamay at hinatak papunta sa aking silid. Medyo malamlam na ang ilaw dito sa loob ng dorm maging ang corridor ng bawat silid. Huminto kami sa tapat ng aking silid kaya agad ko itong binuksan ngunit muli akong tinawag ni Brix. "Sandali lang slave"tawag niya kaya nilingon ko ito.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
أدب المراهقينSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020