Season 2: Kabanata 22

177 11 19
                                    

Dedicated to: JhonSteveSesbreno

Teen fiction Series:
School Year 2020

© iMarjayNari
(Kaminari amanashi)

Kabanata 22: Mind blowing

Araw ng linggo, pagkatapos namin magsimba ni Chai ay nagtungo kami dito sa breadshop upang mag miryenda. "Babalik na naman ako sa dormitory, nakakabagot at walang magawa doon. I'm sure de-demonyohin lang ako ni Zanbrix pagdating ko ng dorm."panimula ko sabay inom ng Milk tea.

"Kung ayaw mo pang umuwi edi mamasyal muna tayo para naman 'di ka mainip sa dormitory niyo. Saka nandoon naman si prince charming, ayain mo siyang maglakadlakad sa labas o kaya naman tumambay ka sa silid niya. Sigurado ako amoy gentleman na hot ang kwarto niya, gosh! Hindi na mawala sa isip ko yung abdominal line niya."puno ng kilig nitong wika dahilan para matawa ako.

"Hindi na tulad ng dati ang samahan namin ni Allyson. Siguro nag sawa na siya o kaya naman nadidiri na sa'kin, pero masaya naman akong nakasama siya. Isa pa ay bata pa tayo, naku grade 12 palang tayo kaya isantabi ko muna ang bagay na 'yan."tugon ko naman kasabay no'n ang pagbalik tanaw ko sa paghawak niya ng kamay ko kagabi. Hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako; 'di ko lang kasi maiwasang makilig.

"Ewan ko kung maniniwala ako sa sinasabi mo, pero 'yang ngiting iyan Nick hindi lalandi? Luma na ang style na 'yan!"pambabara ni Chai kaya naman nawala yung ngiti sa'king labi at inirapan siya.

"Hindi naman talaga a! Huwag mo nga akong i-ship kay Allyson, wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya promise cross my heart never die."

"Promise are meant to be broken. Hindi ako naniniwala sa'yo Nick o baka naman si Zanbrix na ang gusto mo?"aniya dahilan para maibuga ko sa kanya ang iniinom kong Milk tea.

"Oh yuck!"bungisngis niya kung kaya't nagsitinginan ang mga tao dito sa aming pwesto.

"Ano naman ang pumasok sa utak mo at naisip mo ang lalaking 'yun? Ibahin nga natin ang usapan. Tungkol nga pala sa paparating na exam, kinakabahan ako lalo na't gusto kong tumakbo sa listahan ng academic excellence."sabi ko ngunit nakatingin lang si Chai sa akin ng nakakalokong tingin. Tila naiilang naman ako sa kanyang inaasta kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ayaw mo si Zanbrix but the heart feels right."panggagatong pa niya ngunit hindi ko ito pinansin. Tila natamaan ako sa kanyang sinabi, pero wala naman dapat ikailang kung totoong wala talaga. Pero bakit ganito? Pakiwari ko'y kinakaban sa tuwing nababanggit siya.

"Wait lang manatili ka ngang nakatagilid. Ano 'yang nasa leeg mo pasa ba 'yan?"tanong ni Chai dahilan para balutin ako ng kaba, agad ko naman itong tinakpan gamit ang aking palad.

"Wala ito kinagat lang ng lamok."tugon ko naman sabay ngiti ngunit ang totoo nito ay ito 'yung sinipsip ni Zanbrix kagabi.

(Flashback

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon