Dedicated to:infireskai
Teen Fiction Series:
School Year 2020©iMarjayNari
(Kaminari amanash)Kanata 23: The Test
Araw ng eksaminasyon, ito ang pinaka hihintay ng lahat. Ito ang araw kung saan masusubok kung hanggang saan ang aming kaalaman at natutunan sa unang semestro ng aming pag-aaral. Aminado akong kinakabahan ako sa oras na'to lalo na't tanging notes lang ang aming naging reviewer at walang naganap na mastery testing.
"Bags must be here in front, walang magdadala ng bag diyan sa seat ninyo. Answer your testpaper using black ballpen, kapag hindi sigurado sa sagot ay you can use pencil to avoid alliteration and erasures. Gusto ko lang sabihin na I hate dugyot na testpaper. Mind your own paper and read the question with comprehension. Don't rely answers to your classmate and gently reminder class please don't cheat, god is watching you."wika ng aming adviser habang isa-isang nilalapag ang testpaper sa aming lamesa. One seat apart ang stilo ng aming eksaminasyon. Tulad ng dati ay nasa likod ko si Zanbrix ngunit may isang metrong layo mula sa aking kinauupuan.
Ibayong kaba ang namumuo sa aking kaibuturan, pinapanalangin kong marami akong masagutan sa exam na 'to. Ilang sandali pa ay nagsimula na kaming mag sagot, binalot ng nakakabinging katahimikan ang aming classroom. Para bang nakakulong ako sa isang silid na wala ni isang kasama at kapag nanaisin mong magsalita ay mababasag mo ang katahimikan.
Physical Science ang una naming sinagutan, aminado akong mahirap at talaga namang masakit sa ulo pero pinilit ko paring inintindi at sinagutan. Ngunit, sa kabutihang palad ay may nasagutan naman ako sa 50 items ng exam. Inulit-ulit kong binasa ang bawat tanong upang masigurado na tama ang aking isasagot.
Nakakangawit sa batok maging sa balikat dahil sa posisyon kong nakatungo ang ulo. Ramdam ko din ang pananakit ng aking mata kaya minsan ay pinipikit ko ito at nag iinat ng katawan. Ipinagpatuloy namin ang aming pag sasagot hanggang sa tuluyan na ngang natapos ang oras.
"Sino ang tapos na? Pwede niyo nang ipasa ang inyong testpaper then maaari niyo ng simulan ang pagsasagot sa creative non-fiction. Pagkatapos ay pwede na kayong mag recess."pambasag ng aming adviser sa katahimikan kung kaya't napalingon kaming lahat sa kanya na abala sa pagpindot sa laptop. Dumaing ang iba dahil sa hirap ng examination, maging ako ay nahirapan at parang mabibiyak na ang aking ulo dahil sa sakit nito kakaisip.
Isa pa'y masiyado akong nagagambala sa nangyari noong nakaraang araw. Paulit-ulit nalang na nag fla-flash sa isip ko 'yung hubo't hubad ni Allyson, hindi naman sa binabalikan ko ito ngunit kusang pinapaalala ng mapaglaro kong isip ang nangyari.
Bahagya akong lumingon kay Zanbrix upang tanungin kung tapos na ba niyang sagutan ang kanyang testpaper ngunit napansin kong nakatitig lang ito sa bintana na malayo ang tingin sa labas. Wari'y malalim ang kanyang iniisip na parang seryoso ito. Marahil, naaalala niya ang kanyang ex girlfriend pagkatapos nitong makipag break. Well, ganon naman talaga ang Senior High School life, may ligaw-ligaw tapos mag bre-break din lang naman sa huli.
Dumako ang aking tingin sa unahang hilera at dito'y sumalubong ang ngiting tagumpay ni Chai habang naka-thumbs up. Hindi matitibag ang kanyang ngiti sa labi dahilan para makaramdam ako ng inggit, marahil nakapag review siya ng maayos nitong nakaraang araw. Binigyan ko lang siya ng mapanimdim na ekspresyon at muling tinuon ang aking atensyon sa papel. Sinuri kong mabuti ang mga sagot sa testpaper ko pagkatapos ay tumayo na ako upang i-abot sa aming adviser at para kumuha na din ng panibagong sasagutan.
BINABASA MO ANG
School Year 2020
Teen FictionSabi nila, sa milyun-milyong tao dito sa mundo ay may isang tao na nakatakdang para sa'yo. Pero, paano kung ang para sa'yo ay may demonyong nakatago sa kanyang pagkatao. Mamahalin mo ba o tatakasan nalang? Date Started: June 2, 2020