Season 2: kabanata 28

121 11 2
                                    

SCHOOL YEAR 2020
Written by: iMarjayNari



Kabanata 28: What's Poppin?

Lumipas ang dalawang linggo at patuloy parin namang nag-iibayo ang aming relasyon ni Zanbrix. Ngunit, may araw na 'di kami masyadong lumalabas para mag-date dahil sa mga sunud-sunod na nakakabiyak sa utak na quizes. Pero matapos ang mga 'yun ay muli naming nagagawa ang mga dati naming gawi. May araw din na nagtatalo kami ni Zanbrix dahil sa pagiging seloso niya, at palagi nitong pinagseselosan si Allyson.

Samantala, pumupunta ako sa silid ni Ally tuwing may gusto akong linawin tungkol sa subject naming Physical Science. Matalino kasi siya sa lahat ng larangan, kung kaya lahat ng dormates namin ay nilalapitan si Allyson upang magpaturo.

"Inuulit ko madali na lang ito class; ang scalar multiplication. Ang scalar ay isang numero na kung saan nilalagay ito sa kaliwang bahagi ng matrix. Ibig sabihin na ang lahat ng elements ng matrix ay kailangang i-multiply sa scalar,"paliwanag ni Ma'am June, pumunta ito sa harap ng pisara at nagsulat ng halimbawa.

"Example: ang scalar natin ay 3, then the elements are 2, 1, 0, 5."

Sinulat niya ito sa pisara. Ang 3 ay nasa labas ng bracket. Samantala ang 2 at 0 naman ay nasa loob ng brackets habang ang 1 at 5 ay nasa baba ng dalawang number na kung saan ang 2 at 0.

"Who wants to solve on the board? Bibigyan ko siya ng plus sa next quiz natin,"wika nito kaya naman halos lahat ay nagtaasan ng kamay.

●●●

Kasalukuyang nakatayo kami ni Zanbrix dito sa taas ng rooftop habang pinapanood ang mga estudyante sa baba. Namuo ang mga ulap sa kalawakan na tila mga bulak na marumi, parang uulan mamaya at ang lamig sa balat ang dala nitong hangin. Nakakaaliw pagmasdan ang mga nagliliparang tutubi sa ere, na parang sumasayaw sa ilalim ng malamlam na kaulapan.

"Ang sabi ni lola sa akin, kapag daw may mga tutubing nagliliparan sa ere, ay nagtatawag daw sila ng ulan. Ang galing 'no?"tanong ko sabay tingin kay Zanbrix.

"Sabi-sabi lang 'yun kaya huwag ka ngang masiyado magpaniwala,"tugon naman nito habang nakatanaw parin sa baba.

"Matanong ko nga, 'di ba dito ka nag grade 11? So ibig sabihin kilala mo si Allen?"tanong ko kay Brix kaya napatingin ito sa 'kin na nakakunot ang noo.

"Oo naman at classmate ko siya dati. Alam mo ba na palagi niyang hinabol si Denver dati noong grade 11 pa lamang kami? Kung 'di mo tatanungin sa 'kin kung sino si Denver, ay siya ang number one na hinahabol ng lahat. Pero lumipat narin siya ng school,"tugon ni Zanbrix na ikinatango ko. "Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Kasi 'yung classmate nating si Florence ay siya ang nagkatuluyan ni Allen 'di ba? Ang galing 'no?"

Ngumisi ito sabay iling at muling binaling ang tingin sa malawak na ground, "Anong magaling do'n? Lahat naman ay pwedeng mag mahal. Depende kasi sa tao 'yan."

"E, ikaw ba. Totoo ba 'yang nararamdaman mo?"tanong ko dahilan para ngumiti si Zanbrix at ginulo ang aking buhok.

"Kapag ba sinabi kong mahal kita maniniwala ka? Madaling sabihin ang katagang iyon ngunit mahirap iparamdam. Basta, ang alam ko ay pinaparamdam ko lang sa 'yo kung ano 'yung gusto ng puso ko. Hindi ko pwedeng baguhin ito dahil kapag ginawa ko 'yun ay tiyak na masasaktan at mahihirapan ako."tugon naman niya.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon