Kabanata 5

199 16 6
                                    

TEEN FICTION SERIES:
SCHOOL YEAR 2020

Written by: iMarjayNari

(kaminari_amanashi)


FB account: kaminari amanashi WP

Bago ko po simulan, yung characters po natin ay sina.

Fluke Pongsatorn as Nick Tenorio

Chanyeol Park as Zanbrix Cassanova

Phiangphor Sattaphong as Allyson Redon

Sandara Park as Chairiah Macale

At sa mga incoming characters ay soon pa po sila. Iyan muna para ma visualize niyo yung mukha ng characters natin salamat.

Zanbrix Point Of View

Naglalakad kami ngayon ni Ally dito sa hallway nang pagtinginan kami ng mga babaeng estudyante. Puro tili at bulungan ang maririnig sa paligid na nagbibigay sa akin ng nakakairitang pakiramdam.

Patuloy lang kami sa paglalakad at napansin kong ngumiti si Ally sa mga babae at kumaway.

"Gosh! did you see it girls, kinawayan ako ni Allyson."

Napairap lang ako at hindi tumingin sa kanila. "Araw-araw nalang ganito nakakairita"bulong ko nang matawa si Ally sa akin. Umakbay ito at tinapik ang aking balikat.

"Bro palasamat ka at nabiyayaan ka ng ganiyang mukha. Gamitin mo kaya para makaakit ka naman ng babae."tugon nito.

"Hell, wala akong oras sa mga babae. Sobrang boring at nakakairita ang mga tili. Manonood nalang ako ng Porn."sabi ko naman at napailing lang si Ally.

"Si Zanbrix ba yun? Hala anong nangyari sa kanya."

"Oo nga kasama niya yung Vice ng Dorm nila. Pero bagay niya yung band aid sa bibig nagmu-mukha talaga siyang badboy."

"Ang cool niyang tignan"

Tumingin sa akin si Ally at bumulong
"Ngayon na ga-gwapuhan sila sa'yo, chance mo na 'to para naman mawala sa mindset nila na pangit ang ugali mo."

Ngumisi lang ako at umiling. "Stupid"

Pagdating namin sa classroom ay agad nagsitayuan ang mga classmate naming babae. "Good morning Zanbrix"bati nila at tsaka humilera, isa-isa silang lumapit at may hawak na mga bulaklak at chocolates.

Sigurado? Babae na talaga ang lumalapit. Kawawa naman tss.

Napatingin ako sa mga binigay nila at pinilit kong ngumiti dahilan para magtilian sila. "Salamat pero hindi ko naman kailangan ang mga 'to. I can buy this stuff if I want."sabi ko at binalik ang mga binigay sa akin.

Napayuko sila at naglakad na ako papunta sa pinaka dulong silya malapit sa bintana. Tumingin ako sa school ground nang makita ko si Nick at yung kaibigan niyang amazona.

Natawa ako noong makita ko silang naglalakad papasok ng Hall. Mga taga dagat nga naman tsk.

Sinuot ko muna ang earphone ko at hinilig ang ulo ko sa bintana. Madami pa akong ipapagawa kay Nick mamaya humanda siya dahil gustung-gusto ko na siyang laruin.

School Year 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon