Important Note: this is chapter 16. Chapter 15 is right after this one and I don't know how to rearrange all of the chapters without touching them one by one so kayo na lang mag adjust and read that one before reading this kasi baka mawala kayo EHEH thank you <3)
_
Dana
"Keisha Jeanette, nice meeting you din po."
"Frey. Frey Agustin, nice meeting you po."
"Po? Hahaha hindi naman ako gaano katanda para mag po kayo. I'm only 27." Ngiting saad niya at bumaling naman sa'kin.
"Ah, Dana Martin. Nice to meet you..." Inilahad ko naman ang kamay ko sakanya. Tinanggap niya naman 'to at nakangiting nakipagshake hands sa'kin.
Familiar talaga ang ngiti niya eh. Parang nakita ko na somewhere.
Umupo na kami at maya-maya ay may lumapit sa'ming lalaki na naka black na polo top. May ibinigay siyang menu.
"Anong gusto niyo?" Ngiting tanong ni Sir Armani. Hindi ko naman siyang pwedeng tawaging Armani lang kasi mas matanda siya ng limang taon sa'min. Hindi naman pwedeng kuya kasi napaka formal niya tingnan para tawagin lang kuya.
Tinanong niya kami kung ano ang kakainin namin, diba? Yes!
Ngiti kong tiningnan ang menu at napawi ang ngiti ko nang mabasa ang nasa menu.
Betsy Rose Salad? Brown Sugar and Walnut Pasta? Mussels & Tomatoes?
Hindi naman sa ano pero, hindi ako yung type na tambay sa mga fancy restaurants kaya wala akong kamalay-malay sa mga ganito. Pasimple akong siniko ni Frey kaya napatingin naman ako sakanya. Tumingin siya sa'kin at tiningnan ang menu. Tapos ay tumingin ulit sa'kin.
Taena, pati si Frey nagtatanong din. Mukhang 'di niya alam kung ano ang kukunin. Tumikhim naman si Keisha at tumingin din sa'kin at sa menu.
"Ano, anything will do. Kung anong kakainin niyo, ganun na lang din sa'min." Saad ko. Syempre when in doubt, ilabas ang pinakasafe na answer.
Dahil nakakain na sila dito malamang alam na nila kung ano ang masarap dito or what. So kung ano ang kakainin nila, 'yun na lang din sa'min.
Napakawais mo talaga kahit kailan, Dana Martin.
Tumango naman sila at tumingin sa menu.
"Will pasta suffice?" Tanong ni Sir Armani. Tumango-tango na lang kami.
Pagtatango na lang ang kaya naming gawin at the moment. Nakakahiya naman kasing umarte lalo na't sila ang gagasto.
"We would like to have Mushroom and Blue Cheese Pasta. Are those fine with you, Miguel?"
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
