Dana
Day four, biglang umulan ng malakas.
Day four, nagpanic na ako.
Day four, huling araw ko na para makapagtrabaho.
Pero anong nangyari? Biglang umulan!
"Dana ba't ganyan na naman ang mukha mo?" Ani Niña.
Hindi na ako nakasagot dahil sobrang occupied na ako sa isip ko.
Kailangan ko nang makauwi bukas. Dahil the day after that, pasukan na naman namin.
Pero anong gagawin ko? Eh naulan nga!
Paano kaya kung hingan ko ng ten pesos kada isa sakanila Niña? Walanghiya Dana, nalakahiya ka. Aalis ka na nga lang, mangungutang ka pa?
Eh anong gagawin ko? Aah! Para na akong mababaliw!
"Miguel? Ba't andito ka? Lakas ng ulan ah!" Mabilis akong napalingon at hindi joke ang narinig ko.
Talagang nandito siya!
Napalunok ako nang makita ang wet look niya. Ang semi basa na damit niya, at ang buhok niyang bumabagsak na dahil sa tubig.
Teka Dana, ano yang iniisip mo ha? Namomroblema ka na nga, yan pa ang nasa isip mo!
Tumalikod na ako at bumalik sa pamomroblema. Dahil deserve ko talaga ang mamroblema, at yan dapat ang priority ko ngayon.
"Hoy." At yan na naman tayo ulit sa hoy na yan.
Lumingon ako, "Tigilan mo na nga yang hoy—" Natigil ako nang tumapat sa'kin ang pinakamagandang pares ng mata na nakita ko sa tanang buhay ko.
Napalunok na naman ako.
Bago pa ko makaisip ng kung ano ay tinulak ko na siya ng hindi naman kalakasan para malayo siya sa'kin. Masyadong mapanganib pag masyado siyang malapit!
"Ano ba ang po-problema mo?" Tanong ko. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa'kin, hanggang sa nasa harap ko naman siya ulit.
Grabe, mapapatingala ka na lang talaga sakanya. Hindi lang dahil sa height niya, kung hindi dahil na rin sa angking kagwapuhan at awra niya mismo.
Maghunos-dili ka Dana. Kumalma ka...
"Hindi ka makakapagtrabaho." Aniya na sumampal na naman sa'kin sa problema ko.
Napanguso na lang ako at tumango. Nakakainis naman.
Hinawakan niya naman ako ulit sa pulsuhan ko, "Tara." Saad niya. Bago niya pa ako mahila ay nagmatigas ako.
"Anong tara?" Tanong ko.
"Magtatrabaho ka." Sagot niya. Ha? Paano?
Anong itatrabaho ko? Eh umuulan nga!
"Okay ka lang? Anong trabaho? Umuulan nga, 'diba..."
Idiniin niya ng konti ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. Pagkatapos ay lumingon siya sa'kin.
"Kwentuhan mo ako."
Napakurap ako ng tatlong beses. Tinatry kong iprocess ang sinabi niya.
Ano?!
"Anong—"
"Basta tara." Mas nilakasan niya ang paghila kaya wala na akong nagawa kung hindi sumunod. Bumaba kami sa convenience store ni Manang Rosa. Pagkababa ay binitawan niya na ako.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...