Dana
Alas tres y media nang marating namin ang familiar na mga bahay.
Nandito na nga talaga ako sa Talomo. Parang kailan lang noong umalis ako.
"Dito lang ho, kuya." At tumigil siya sa harap ng bahay namin. Bumaba ako at nagpasalamat.
Tumingala ako para tingnan ang kabuuan ng bahay. I've always thought na marangya na ang buhay namin. I mean, malaki kahit papaano ang bahay namin at maganda. Ang linis tingnan ng beige at brown na kulay ng two-storey house namin.
Pero nang makita ko ang bahay—ay este ang mansyon nila Miguel, doon napamukha sa'kin na ang average lang pala namin kumpara sakanila. Yung mga mayayaman talaga.
Pumasok ako sa loob at nakita ko ang pamilya ko na madaming ginagawa.
"Pa!" Sigaw ko nang makita si papa na inaarrange ang isang lamesa na kakasya sa terrace. Lumingon siya sa'kin at ngiti-ngiting nilapitan ako.
"Mabuti nakauwi ka agad." Aniya. Hinalikan ko si papa sa pisngi at pumasok sa front door.
"Hehe, sorry pa." Nag peace sign ako sakanya. Nangingiting umiling na lang si papa sa'kin at bumalik sa ginagawa niya.
Binati ako ng dalawa kong tiyahin, si Tita Dennis at Tita Dianne nang makita ako. May mga dala silang tray ng mga ulam.
And last but not the least, si mama na busy sa pagsaslice sa kusina.
Mukhang naramdaman niya ata ang presensya ng napakaganda niyang anak kaya tumingala siya. At nang makita niya ako ay hindi ko alam pero parang nakakita ako ng puting usok na lumabas sa ilong at tenga niya.
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi?" Aniya habang mabilis na hiniwa ang mga lamas. Napalunok naman ako.
Taena nakakatakot talaga 'tong si mama.
Dali-dali akong lumapit sakanya at nilambing siya, "Hehehe sorry ma. Ako na po maghihiwa." Akmang kukunin ko ang kutsilyo nang ilayo niya naman 'yon sa'kin. Bigla atang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba dahil sa ginawa ni Mama.
"Magprito ka!" At tinuro niya ang stove na may nakapatong na dalawang pan.
Napalunok na naman ako nang makita kung ano ang niluluto. Bangus at pata.
Dios ko, papatayin ba ako ng nanay ko?
Namention ko na bang nakakatakot sa lahat ay ang magprito ng bangus at pata? Kasi galit na galit ang mantika kapag sila ang niluluto! Pumuputak!
"Ma!" Nakanguso kong saad. Tiningnan naman ako ng matalim ng maganda kong nanay.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...