Dana
Pagbalik namin sa loob ay nakaupo na ang dalawa sa long couch habang pinapagitnaan si Armani. Nang mapansin ang presensya namin ay lumingon si Keisha.
"Oh? Nandito na agad kayo?"
"Kamusta ang night stroll niyo?"
Sabi ko na nga ba, magsisimula na ang walang katapusang kantyawan ng mga kaibigan ko sa'kin.
"Magpahinga ka na." Ani Miguel. Tinuro ko ang sarili ko habang nakatingin sakanya.
"Ako? Eh ang aga pa..." Reklamo ko. Feel ko alas syete pa lang siguro. Masyado pang maaga!
"I thought maaga pa tayong uuwi bukas?"
"Sino nagsabi?"
"Isa sa kanila. Rinig na rinig ko kanina, kaya nga pinagbigyan dito na mag-over night 'di ba?" Ani Miguel habang nakaturo kina Frey at Keisha.
Kumunot ang noo ko habang inalala kung may binanggit nga ang dalawa kanina. Nang maalala ay napaawang ang labi ko.
"Talas naman ng memorya mo. Detalyado masyado." Komento ko.
Pansin ko lang kay Miguel, very attentive talaga. Kung titingnan mo sakanya dahil sa ugali niya para bang wala siyang pake o ignorante siya. Pero magugulat ka na lang sa mga bagay na sasabihin niya at alam niya.
"Kaya magpahinga ka na." Saad niya pa kaya nameywang ako
.
"Eh ayaw ko nga."
Humalukipkip siya at matamang tumingin sa'kin.
"Magpapahinga ka o gusto mong ako pa ang kakarga sa'yo pataas?"
Nagkamot ako sa ulo ko at napanguso bilang pagsurrender.
"Sabi ko nga magpapahinga na ako." Bulong ko, "Saan ba ang kwarto?" Tanong ko sakanya.
"May tatlong kwarto sa taas. Sa pinakadulo ang kwarto ni Armani. You can pick any room that is vacant." Sagot niya naman na para bang pagmamay-ari niya ang bahay na 'to.
Yung totoo, sino ba talaga ang may-ari ng bahay? Si Miguel o si Armani? Kung makapagsalita 'to si Miguel para bang saulado niya na ang bawat sulok ng bahay.
"Okay..." Mahinang sambit ko at tinalikuran na siya.
Naglakad ako past through the living room and bigla akong tinawag ni Frey.
"Saan ka pupunta?"
Tinuro ko naman ang hagdan, "Matutulog na ako." Sagot ko at tiningnan si Miguel na nakatayo pa din habang nagmamasid sa'kin.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
