Dana
Nang marinig kong bumukas ang pinto ay mabilis kong itinago sa bag ko ang box na binigay ni Miguel. Wala akong plano na magpagisa sa dalawang 'to. Panigurado walang katapusan na naman ang kantyaw nila.
"Oh, musta? Kala mo naman hindi magkikita nang matagal..." Murmur ko at nag-ayos ng higa habang hawak ang mga files.
Nagflip hair si Frey at tumabi sa'kin, "Para kasi hindi ka na maging salty diyan, sagutin mo na si Miggy. Ang arte mo eh." Aniya.
Tumabi rin si Keisha sa'kin kaya pinagitnaan na naman nila akong dalawa.
"Sayang ang opportunity, Dan. Like, kailan ka na naman kaya hahabulin ng lalaking tulad ni Miguel? Naku kung ako niligawan niyan..." Ani Keisha na nakangisi.
Napaismid na naman ako, "Ay kung ako sa'yo 'wag mo nang ituloy yang sasabihin mo. Isa ka ring maharot. Ano, Dale o Miguel?"
"Dale syempre! Malabo naman na magkagusto sa'kin si Miguel eh." Aniya na para bang pinapahiwatig na wala siyang choice.
Napabuga na lang ako ng hangin habang hindi makapaniwalang nakatingin sakanya, "Wow. Paano kaya kung narinig yan ng Dale mo? Kanina ang harot-harot mo naman sakanya. Tsk tsk tsk..." Umiling-iling pa ako.
"Mabuti pa ako, stick to one. Kahit na isang Armani pa o Miguel ang magkandarapa sa'kin, okay na ako kay Devon ko." Ani Frey at kinikilig pang nagpaikot-ikot sa pwesto niya na para bang buwaya.
Napabuntong-hininga na lang ako habang nakakaawang nakatingin sa dalawa, "Malala na kayo." Sambit ko.
Binuksan ko ang pinadala ni Miguel sa'kin. Napasipol ako nang makita kung gaano ka detalyado ang lahat. Para bang isa na itong script na ipapractice namin.
Ibang-iba talaga ang level ng pagkametikuluso at detalyado ng isang Miguel Samson.
Inagaw sa'kin ni Frey ang hawak ko at binasa pagkatapos ay napasinghap siya, "Gawa niya 'to? Wow, A plus sa effort. Panigurado tayo pinakamataas ang score nito. Congrats guys, gagraduate tayo with flying colors." Ani Frey na ini-iscan pa din ang hawak niya.
Nagpahinga lang kami ng ilang minuto bago naisipang magsimula na.
Inayos at tiningnan namin ang napaprint ni Keisha. Pagkatapos ay nagsimula kaming magrehearse ng presentation namin para smooth na ang lahat. Gamit ang pinadala ni Miguel, 'yun ang ginamit ko sa pag-interrogate kay Frey habang nagpapresent siya with Keisha's assistance.
Si Frey naman kasi ang pinakamaalam when it comes to public speaking at hindi siya nerbyosa. Mabilis din siyang makasagot sa mga tanong even when she's under pressure kaya panigurado siya ang magbubuhat ng presentation namin.
Syempre pati ako I did my part. Sinusubukan kong isink-in sa utak ko ang mga sagot ni Frey para sakaling kailangan ng back-up eh preparado ako. Hindi naman pwedeng buong presentation eh si Frey lang ang magsasalita.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...