Dana
Naalimpungatan ako nang malakas na nagring ang alarm ng phone ko.
"Teka lang... Wait, time out time out..." Bulong ko sa sarili ko. Pero syempre kahit anong imurmur ko, hindi pa rin titigil sa kakangawa ang alarm. Kaya kahit inaantok ay pinilit kong bumangon at patayin ang alarm. Medyo nanlalabo pa ang mga mata ko kaya natagalan bago nakaadjust ang mga mata ko sa ilaw ng screen.
'Groundbreaking! Groundbreaking!'
Nabuhay ata bigla ang buong katawang-lupa ko sa nabasang reminder kasama ng alarm.
Shet! Oo nga pala! It's the D-day! Ang groundbreaking ng project sa Sumilao!
Nagmamadali akong tumayo at inayos ang beddings ko. Right, ang bilis ng paglipas ng mga araw. December 4 na, araw ng Sabado.
Babyahe kami papuntang Sumilao para makinood sa groundbreaking. Pagkatapos, pupunta kaming Tinago at ang huling destinasyon namin, ang Initao. Tulad ng naplanuhan.
Taena, ba't bigla akong kinabahan?
Noong mga nakalipas nga palang mga araw, 'di mawala sa isip ko yung mga thoughts about Initao at Miguel. Yung mga pawikan. Kumusta na kaya ang mga itlog?
Ang aga-aga pa lang pero napabuntong-hininga na ako. Sana naman talagang ma-enjoy ko ang maagang bakasyon naming 'to. Baka kasi mawala lang ako sa mood mamaya. Kagabi pa ako nakapag-ayos ng mga gamit ko sa backpack na dala ko. Good for five days and dala kong mga damit kahit na siguro dalawang araw lang kaming mawawala. Mabuti nang sigurado, no!
Mabilis lang akong naligo dahil 'di naman ako nanlalagkit talaga sa sarili ko. Pagkatapos habang naglalagay ng sun screen ay nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Keisha.
"Oh Keish, ano 'yon?" Bungad ko sakanya.
[Sabi ni Frey puntahan ka raw namin sa inyo. Naliligo kasi siya at the moment kaya ako pinatawag niya.]
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Teka, magkasama ba kayo ngayon?" Tanong ko.
[Hehe, dito ako nakatulog. Lasing kasi ako kagabi tsaka 'di alam ni Owen ang address ko, kaya dinala niya na lang ako rito sa bahay ni Frey.]
Automatic na tumaas ang kilay ko nang magbago ang timpla ng boses niya at nang mamention ang pangalan ni Owen.
"Owen? Kasama mo uminom si Owen kagabi?" Nagsususpetsya kong tanong.
Natahimik nang ilang segundo sa kabilang linya bago muling sumagot si Keisha.
[Nag-aya akong uminom. Nakita ko kasi si Dale kahapon kasama yung babae. I figured na hindi ko kayo maayang dalawa kasi nga, may byahe tayo ngayon. So I resorted to calling Owen since one call away naman daw siya.] Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...