Dana
Kahit shocked ang lahat, nagawa naman naming tapusin ang niluto namin at inihanda na sa lamesa. Siniko pa ako ni Frey at Keisha kanina, "May utang kang chika sa'min." Saad pa nilang dalawa.
Mukhang kailangan ko na atang ichika sakanila. Hindi ko na kaya icontain ito sa sarili ko lang.
Six-seater ang dining table. Sa pinakadulo pumwesto si Armani. Naupo na rin sina Frey at Keisha sa bandang kaliwa ni Armani. Uupo na rin sana ako sa bandang kanan ni Armani nang unahan ako ni Miguel.
Napaawang ang labi ko at tumingin sakanya, "Anong problema mo? Ba't nang-aagaw ka ng pwesto?" Tanong ko sakanya.
Tumingin siya sa'kin at ipinagdikit ng mariin ang labi niya.
"Bakit ka rin nagrereklamo? May bakante naman diyan sa tabi ko?" Nginuso niya pa ang dalawang bakante na upuan.
Napabuga ako ng hangin dahil sa logic niya, "That's the point! May bakante pa pero ba't nang-aagaw ka ng pwesto ng iba?" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya.
Basta talaga si Miguel ang nakakasagutan ko hindi ko mapigilan ang pagtaas ng altapresyon ko.
"You can sit anywhere but here." Saad niya pa at kumuha ng plato. Ako naman ay nanatiling nakatayo habang nakapameywang na nakatingin sakanya.
"At bakit naman? Pagmamay-ari mo ba yan? Sa'yo ba yang upuan, ha?" Pangangatuwiran ko pa.
"Hindi. But why would I let the girl who's to be mine soon sit beside another man?" Nakataas ang kilay na saad niya na nagpaestatwa sa'kin sa kinatatayuan ko.
May narinig din akong parang nabulunan at naubo. Pero wala akong pake sakanila. Nasa kay Miguel lang nakatuon ang mga mata ko.
Seryoso, saan niya ba nakukuha ang mga salitang yan? Ang corny niya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at tahimik na naupo sa bakanteng upuan. Manahimik na lang ako at magpanggap na walang may nangyari kani-kanina lang. Walang may umimik sa aming lima habang kumakain. Walang may naglalakas-loob.
Bakit? Dahil ba sa nangyari? Kainis kasi itong si Miguel eh! Wala talagang preno ang bibig niya! Paano niya nagagawang bumanat ng ganoon lang? Akala mo simpleng 'hi' o 'hello' lang ang sinasabi niya sa sobrang petiks niya kung magsalita.
Maya-maya ay may tumikhim na. Pagtingin ko ay si Frey pala.
"Ang sarap ng garlic chicken. 'Di mo naman sinabi na marunong ka palang magtimpla, Keish." Pag-oopen niya ng topic. Mukhang hindi na nakayanan ang katahimikan.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Kahit papaano eh naging magaan ang atmosphere.
"Ah, hahaha! Nagpapractice kasi ako eh. Nangako kasi ako kay Dale na lulutuan ko siya ng garlic chicken. Hahaha!" Ani Keisha.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomansaMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...
