Dana
Matapos ang matinding pag-aaminan sa kalsada, talagang napalitan ang mga kaemote-an ko noong mga nakalipas na mga araw ng mga 'di ko makakalimutang mga pangyayari.
Lahat ng 'yon? Aba sino pa ba ang may pakana kundi ang walangyang Miguel. Talagang bumawi siya.
Simula nung araw na 'yon, grabe nawala na nang tuluyan ang maskara ng hinayupak. Nawalan na rin ng hiya. Syempre matagal na siyang walang hiya, pero mas lumala ata ngayon.
"Hi, Ma'am! Mukhang suki na ata kayo ng service namin." Natutuwang sambit ng delivery boy sa'kin.
"Ha-ha...ha-ha..." Awkward naman akong tumawa habang pinagmamasdan ang isa na namang dambuhalang basket ng assorted na prutas. Pagkatapos ay ang parang box pero hindi ko alam kung ano ang tawag don.
Tinuro ko ito, "Kuya, ano po'to?" Tanong ko sa lalaki.
"Ah, yan po, Ma'am? Karne po raw yan ng tupa." Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig.
Ha? Tupa?!
"An-anong..." Napanganga na lang ako dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. May nakita pa akong kapitbahay namin na nakikisilip. Nakiususyo ata kung bakit parang madalas na laging may pinapadala sa'kin.
Oo, hindi na ito bago sa'kin. Simula noong umuwi kami dito sa Davao, halos kada linggo na lang ata may pinapadala sa'kin. Prutas, gulay, minsan bouquet ng halatang sobrang presko at magagandang mga bulaklak na 'di ko madalas nakikita dito, tapos ngayon eto na naman.
Syempre sino pa ba ang may pakana ng mga 'to? May iba pa ba akong kilala na may unlimited access ng mga nasambit ko kanina?
'Naalala mo noong sinabi kong wala akong pakialam sa distansya, Dana? I'm courting you, for real. Babawi na talaga ako sa mga pagkukulang ko dati. After all, I am a man of my words...'
Napakamot na lang ako sa ulo ko nang dahil sa naalala. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o iinisin. Ilang delivery na lang, magiging storehouse na ang bahay namin. Pwede na ata kaming magpatayo ng sarili naming pwesto sa palengke o magdonate sa daan-daang tao dahil sa dami ng pinapadala sa'kin ng Miguel na 'yon.
Napakunot ang noo ko nang may kinuha pang isang box ang lalaki. Nagtaka ako kasi, parang gift box. Ang kulay eh parang nung sa Kraft paper, tapos may parang puting manipis na 'di ko alam kung sisal rope ang magandang nakapulupot dito.
"Ano naman po yan?" Tanong ko. Binigay niya naman ito sa'kin.
"Hindi ko po alam ma'am eh. Basta po galing kay Sir Miguel Samson. For sure Ma'am, kilala niyo po siya. Ilang beses na siyang nagpapadeliver sa address niyo Ma'am eh."
Ngumiti na lang ako na parang sumusuko na. Nagpatulong na lang ako sakanya at sa kasama niya na dalhin sa loob ang mga pinadala ng walanghiyang si Miguel pagkatapos ay nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
Holdap (Sumilao Series #1)
RomanceMalas. Yan ang salitang mailalarawan kay Dana. Maliban sa 'di sinipot ng ka-LDR na kanya pang pinuntahan sa 'di kilalang probinsya, hinoldapan pa siya! But wait, parang may mali sa holdaper. Paano kung ang holdaper na 'to, hindi naman pala holdaper...