KABANATA 33

83 6 0
                                    

Dana


"Okay, that's enough you two." Ani Armani at pumagitna sa dalawa.


Tinuon niya ang atensyon sa'kin at ngumiti, "What's your favor? Ako na lang gagawa." Aniya.


Nakahinga ako nang maluwag dahil sa initiative ni Armani. At least sakanilang tatlo, may nagsisilbing peace-maker. Mabuti at umaksyon siya kaagad. Magpapanic na sana ako eh. Hindi kasi ako sanay na may nag-aaway na dalawang lalaki na related sa'kin.


Charot! Nagmamaganda ka na naman ba, Dana Martin?


Binigay ko sakanya ang Oppo ko. Actually nahihiya akong ibigay sakanya kasi naka iPhone ang lolo niyo. Baka mamaya hindi sanay sa android. Hiyang-hiya naman ang phone ko, 'diba?


Pero wala naman siyang say. Ngumiti lang siya, "You look cute on your wallpaper." Komento niya kaya nag-init ang pisngi ko. Ang lockscreen ko kasi eh yung picture ko noong pumunta kami sa resthouse ni Armani. Noong pumunta kaming tatlo nila Frey at Keisha sa beach para magliwaliw.


"Ready? One, two..." Nagpanic kami nang magsimulang magbilang si Armani at itapat ang camera.


Kalma lang! Hindi pa nga kami nakakapagpose!


Dahil marami-rami kami ay nagtatlong row kami. Ang maliliit, isa na po ako roon, ay naka-upo na talaga sa hilamon. Ang ikalawang row ay nakaluhod ang isang binti at ang ikatatlo ay nakatayo.


"Beh, kinikilig ako. Ang gwapo-gwapo ng photographer natin." Ani Lowell, isang bading na kagrupo namin na katabi ko.


Tiningnan ko siya nang hindi gumagalaw ang ulo ko at halos matawa ako nang makitang ang lapad-lapad ng ngiti niya at halos lumuwa ang mga mata niya.


"One, two, three! Another one..." Ani Armani kaya nagwacky kami.


"Another one. Say 'CTE'." Ani Armani kaya sumigaw kaming lahat.


"CTE!" Sabay-sabay naming sigaw at halos magsitumbahan ang mga nasa likod namin sa'min. Natawa na lang kami. Bahala na kung ano ang mukha namin sa picture.


Pagkatapos ng group picture ay kami namang mga sub-leaders at ang leader namin ang nagpicture. Hindi ako tulad ni Frey na leader-type talaga, pero nakakatuwa talaga ang mga moment na ganito. Yung feeling na may na-accomplish ka para sa team mo bilang leader.


Isa ito sa mga memories na hinding-hindi ko makakalimutan. Actually, nafifeel ko na itong last intramurals namin ang magiging the best one yet sa tanang buhay ko bilang estudyante.


Nang matapos ang pictorial ay free na kami sa kung anong gawin namin. That's it, 'yon lang po ang activity na gagawin namin sa buong duration ng intramurals. Pero syempre joke lang. Mayroon pang isa. Ang presscon para sa Alay Dilaw pa pala. Bumalik nga ang kaba sa dibdib ko nang makakita ng mga reporters na kinocover ang event.


"What now?" Ani Armani. Pansin kong nanatiling tahimik ang dalawa habang nakatingin kay Armani. As usual, kumapit si Keisha sa braso ko.

Holdap (Sumilao Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon